Ced Torrecarion, Suman ni Trey ang bagong business
TULOY pa rin ang ikot ng mundo kay Ced Torrecarion kahit na tulad ng marami, iniinda niya rin ang epekto ng pandemic.
Nang kumustahin namin ang aktor, ito ang tugon niya sa amin:
“After a good stint sa Ang Sa Iyo Ay Akin… habang closed pa ang Dolce Far Niente Wellness Spa, we are venturing out sa Suman Ni Trey (suman kamuting dutung), a Pampanga delicacy. It all started with a craving by my girlfriend Lee Ann, now we’ve been selling it for weeks na and sa awa ng Diyos, sold out (siya) every time we sell it.”
Paano mag-order ng suman at bakit Suman ni Trey ang brand name nito? “We figured out we want Trey our bunso, who’s 8 months old to start at an early age na magkaroon siya ng sariling simpleng negosyo.
“They can go to the FB Page of: Suman Ni Trey, DM me or text/call: Smart – 09605213273, Globe – 09054538280.”
Ang isa pa nilang business ay ang Dolce Spa and Café, located at 58C Stephanie Place, Road 3, Project 6, QC. “We offer mga sandwiches and rice bowls, and street foods like fish ball, kikiam, kwek-kwek, halo-halo, cheese sticks, etcetera,” aniya pa.
Nabanggit din ni Ced na nag-e-enjoy siyang mag-business habang hindi pa safe at naghihintay pa ng projects.
“Super nag-e-enjoy and it’s a family affair – my dad is helping with the marketing, my sister sa production and brother sa accounting. Brain child talaga ito ng girlfriend kong si Lee… and instead na mag-worry kami, this keeps us busy.
“Sa panahon ng pandemya, kailangan maging madiskarte ka and hindi ka dapat mahiya sa simpleng ibinebenta mo… at least marangal and pinaghihirapan mo ito. I’m thankful to all my friends and family sa support nila,” lahad ni Ced.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio