Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon kinilig, game gumanap na legal wife sa Doctor Foster

TRENDING ang Sharon Cuneta Dr. FosterPh sa Twitter kaya naman ganoon nalamang ang tuwa ni Sharon Cuneta dahil feel siya ng netizens na gumanap na legal wife sa Pinoy version ng hit BBC Studios TV series na Doctor Foster.

Inii-repost ito ni Mega at sinabing, ”OMG! Thank you so much! Would absolutely love to play her!!!”

Tinag pa nito ang ABS-CBN Head of Entertainment na si Lauren Dyogi.

Marami naman ang nagkakagustong gumanap si Sharon ng naturang role sa Doctor Foster na ang Korean version ay may titulong World Of The Married.  Ipinalabas ito ABS-CBN  at malapit nang mapanood ang sariling bersiyon natin dahil nakipagkasundo ang ABS-CBN Entertainment sa BBC Studios.

Ang Pinoy remake ng Doctor Foster ang una para sa isang scripted British series pagkatapos pumatok sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang kakaibang kuwento nito ng pagtataksil at paghihiganti.

Bale ang Pilipinas ang ikaanim na bansang gagawa ng sariling bersiyon. Nauna na ang South Korea, India (Out of Love), Russia (Tell Me the Truth), Turkey (Sadakatsiz), at France (Infidéle). Ang original British series naman ay isinulat ni Mike Bartlett para sa BBC One sa produksiyon ng Drama Republic.

Hindi lang si Sharon ang lumabas na pangalang pwedeng gumanap na legal wife. Nariyan din sina Judy Ann Santos, Iza Calzado, Lovi Poe, at Jodi Sta. Maria.

Sina Julia Barretto, Charlie Dizon, at Janine Gutierrez naman ang mga pangalang lumabas na puwedeng gumanap na mistress.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …