ni Rose Novenario
HINDI maiwasang isipin ng Pa-Iwi investors at sub-farms operators ng DV Boer Farm Inc., na ang multi-bilyong pisong inilagak nilang puhunan sa agribusiness ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a Dexter Villamin ay gagamitin sa “pag-hijack” niya sa Magsasaka partylist para sa 2022 elections.
Pinatalsik si Villamin sa Magsasaka partylist sa ginanap na general assembly noong Disyembre 2019 habang nakabakasyon grande ang kanyang pamilya sa Brazil.
Isang Pinoy religious leader ang malapit sa pamilya Villamin kaya’t nang pumutok ang mga kasong syndicated estafa laban sa DV Boer, hindi na bumalik sa bansa ang ilan sa kanyang mga kaanak, kasama ang kanyang ama’t ina na humahawak ng mga sensitibong posisyon sa kompanya.
Ilang buwan matapos ang 2019 elections ay naglutangan ang whistleblowers laban kay Villamin at ikinanta na isang scam ang kanyang agribusiness, at ang mga inilagak na puhunan ng kanyang investors ay ginamit ng buong pamilya para mamuhay nang marangya at maluho kaya ang ipinangakong kita sa mga naglagak ng puhunan sa kanyang negosyo ay hindi tinupad.
Nabatid sa source na nagkaroon ng komprontasyon sina Villamin at Magsasaka partylist Rep. Argel Cabatbat kaugnay sa usapin ngunit itinanggi ito ng ‘agripeneur.’
Wala umanong ginawa si Villamin upang ibalik ang pera ng investors at nagpatuloy sa pagbubuhay hari kaya’t nagpasya ang partylist group na sibakin ang kanyang grupo bilang board of directors.
“Talagang dumalo sa General Assembly ang partylist members mula sa lahat ng chapter sa Region 3 sa San Fernando, Pampanga para bomoto sa pagsipa sa grupo ni Dexter,” anang source.
Makaraan ang ilang araw nang ganapin ang general assembly ay naiparating sa Commission on Elections ang pagpapatalsik sa mga Villamin mula sa Magsasaka partylist.
“Kaya malaking kalokohan at kaduda-duda kung papaboran ng Comelec na makabalik sa Magsasaka partylist si Dexter at makalahok pa sa halalan,” dagdag ng source.
Duda ng source, may alas si Villamin sa administrasyong Duterte. (May karugtong)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …