Saturday , November 16 2024
dead gun police

Pedicab driver itinumba ng 2 pasahero sa sementeryo

PATAY ang isang pedicab driver matapos barilin ng dalawang hindi kilalang suspek na kanyang naging pasahero sa loob ng isang sementeryo sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.
 
Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Jesus Dela Cruz, 27 anyos, residente sa Brgy. Santolan ng nasabing lungsod sanhi ng ng bala sa ulo.
 
Nagsagawa ng follow-up investigation ang pulisya para sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek na mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon.
 
Batay sa ulat ni P/SSgt. Jose Romeo Germinal kay Malabon City Police chief Col. Joel Villanueva, dakong 3:50 pm nang maganap ang insidente sa loob ng Tugatog Public Cemetery, Brgy. Tugatog.
 
Lumabas sa imbestigasyon, sakay ng biktima sa kanyang minamanehong pedicab ang mga suspek at pagsapit sa lugar ay biglang naglabas ng baril ang mga ‘pasahero’ saka pinagbabaril sa ulo si Dela Cruz bago mabilis na nagsitakas.
 
Nakuha ng nagrespondeng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng bala mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril at isang deformed fired bullet. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *