Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel kontra sa pagpasok ng 2 pinsan para mag-artista

MAS gustong makapagtapos ng pag-aaral ni Daniel Padilla ang mga pinsang sina Analain at Ashton Salvador kaya kontra ito sa pagpasok ng mga ito sa showbiz.

“When kuya DJ first heard na papasok kami sa showbiz, ayaw niya talaga kasi he wants us to finish school first.

“But then kinausap naming at sinabing hindi pa rin namin pababayaan ‘yung pag-aaral namin kasi of course, he also wants us to finish college and high school.

“Kaya we promised kina kuya DJ, kina tita Karla, to our mom, na kahit anong mangyari, kahit maging busy man ‘yung schedule namin in the future, we promise na tatapusin namin ‘yung pag-aaral namin,” paliwanag ni Analain.

At hindi nga napigil ang kagustuhan ng magkapatid na Analain at Ashton. Kasama sila sa ipinakilalang bagong miyembro ng Squad Plus ng ABS-CBN Star Magic.

Sa virtual media launch inamin ni Analain na komportable siyang humarap sa camera samantalang si Ashton ay hindi bagamat gusto talaga nilang maging artista.

”Ever since kasi, I had a passion for acting. That’s what made me go into showbiz, gusto kong humusay ang pag-aarte.

“When I first heard it sa tita (Karla Estrada) ko, I was very excited to join a new family. Actually, this is my first family sa showbiz.

“Bilang Kapamilya na-excite ako na I get to enter showbiz and magpakita ng talento because I have a passion for acting and I actually want to be good at it,” sunod-sunod na sabit ni Analain.

”Natuwa rin ako na marami akong kasabay na kaedad ko. Hindi ako mag-isa and siyempre mas natuwa ako na sabay kami ng brother ko pumasok at alam kong hindi ako nag-iisa na baguhan sa showbiz. Kaya it feels overwhelming and nakatataba ng puso na I’m part of Kapamilya now,” sabi pa ng dalaga.

Sinabi naman ni Ashton na sobra-sobra ang kaba niya siya ngayong nakapasok na sa showbiz. ”Kinabahan ako. Speechless dahil hindi ko ma-imagine na papasok ako sa pag-aartista.”

Mahiyain kasi ang 17 year old na pinsan ni DJ. “Kinakabahan pa rin ako. Gusto ko rin naman talaga kaso mahiyain ako kaya medyo nahirapan din ako pumasok kasi hindi ko kaya magpakita sa camera.”

Naikuwento ni Analain na may gagawin siyang teleserye habang si Ashton naman ay naghahanda sa mga ibibigay na projects sa kanya ng Star Magic.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …