ISINUSULONG ni Malabon City congresswoman Jaye Lacson-Noel ang isang panukalang batas na magbibigay daan para sa karagdagang pension ng mga nakatatandang mamamayan ng bansa.
Tiwala si Congw. Lacson, susuportahan ng kanyang mga kasamahan sa House of Representatives ang kanyang panukalang batas para sa senior citizens.
Aniya, kung maipasang batas ang kanyang House Bill No. 4057, nangangahulugan ito ng dagdag na P1,500 para sa buwanang pension na natatanggap ng mga senior citizen mula sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS), at iba pa.
“Kasado na po ito sa committee level sa House of Representatives at talagang aking pagsusumikapan na maipasa ito dahil ramdam ko po ang hirap at rinig ko po ang mga daing ng mga nanay at tatay nating mga senior,” pahayag ni Congw. Lacson.
“Isa lamang itong maliit na hakbang sa marami pa nating kailangang lakarin para matugunan at maibigay ang mga pangangaliangan ng mga taong noong una’y nagsumikap tungo sa isang maunlad na bansa – ang ating mga senior citizen!” dagdag ng mambabatas. (ROMMEL SALES)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …