ni Rose Novenario
DUDULOG sa Commission on Elections (Comelec) ang mga naging biktima sa mala-Ponzi scheme ng DV Boer Farm Inc., upang harangin ang intensiyon ni Soliman Villamin, Jr. a.k.a. Dexter Villamin na lumahok bilang partylist nominee sa 2022 elections.
Nauna rito’y napaulat na naghain ng “manifestation of intent to participate” si Villamin sa poll body kamakailan para makalahok bilang nominee ng Magsasaka partylist.
Ginawa ito ni Villamin kahit pinatalsik na siya sa grupo pati ang kanyang mga kapamilya bilang mga miyembro ng board sa ginanap na general assembly ng Magsasaka partylist noong Disyembre 2019.
Ayon sa source, ang kagustuhan ni Villamin na maging mambabatas ay upang magkaroon ng ‘kumot’ laban sa tambak na kasong kriminal na kinakaharap sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Nais ni Villamin na i-hijack ang Magsasaka partylist mula sa lehitimong grupong nagpakahirap na itatag at isabak noong 2019 elections.
“Sampay-bakod lang siya noong 2019 at ang insiyatiba sa pagtatag ng grupo ay mula sa grupo ni Cong. Cabatbat,” sabi ng source.
Napag-alaman, bago pa nagkakilala sina Magsasaka partylist Rep. Argel Cabatbat at Villamin noong 2018 ay may matatag ng grupo ang kongresista.
Anang source, lumahok noong 2013 at 2016 elections ang grupo ni Cabatbat sa ilalim ng UMALAB KA o Ugnayan ng Mamamayan laban sa Kahirapan na nakabase sa Region 3 ngunit natalo.
Napapaniwala umano ni Villamin si Cabatbat na lehitimo ang kanyang adbokasiyang paunlarin ang agrikultura at makamit ang food security sa bansa.
Kinuha ni Villamin na abogado ng DV Boer si Cabatbat at niyaya siya nitong sumali sa kanilang grupo na nagbubuo ng partylist para sa 2019 elections.
Napagkasunduan umano nilang maging pangalan ng partylist ay Magsasaka o Magkakasama sa Sakahan, Kaunlaran.
Binigyan diin ng source, dahil ‘branchild’ ni Cabatbat ang partylist group at mula sa kanyang pangkat ang ground coordinators, ginawa siyang first nominee habang ang second nominee ay si Soliman Villamin, Sr., ama ni Dexter.
Sagot umano ng grupo ni Cabatbat ang makinarya sa eleksiyon ngunit ang ipinangakong milyones na campaign funds mula sa pangkat ni Villamin ay napako. (May Karugtong)
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY
PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …