Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heartful Café, magse-serve ng ibang klaseng love – Zonia Mejia

ANG Kapuso actress na si Zonia Mejia ay kabilang sa casts ng Heartful Café ng GMA-7 na nag-start na ang airing last Monday. Napapanood ito pagkatapos ng First Yaya.
 
Ang drama romantic comedy series na ito ay pinagbibidahan ni Julie Anne San Jose. Tampok din dito sina David Licauco, Jamir Zabarte, Ayra Mariano, Victor Anastacio, Angel Guardian, at Edgar Allan Guzman.
 
Paano niya ide-describe ang seryeng Heartful Café?
 
Esplika ng magandang young actress, “Ang Heartful Café po ay isang napakamasayang teleserye na kailangan natin ngayong panahon na may pinagdaraanan ang lahat ng tao. Punong-puno ng mga eksenang nakakikilig, nakatatawa… may mga eksenang maiiyak ka rin.
 
“Iba’t ibang uri po ng love ang ise-serve namin sa Heartful Café. Pag-ibig sa magulang, kaibigan, sa trabaho, at siyempre sa iyong the one.”
 
Aminado si Zonia na nakaramdam siya ng pressure nang nalamang bahagi siya ng seryeng ito. Aniya, “Noong una, kinabahan ako at nakaramdam din ng pressure nang nalaman ko na makakasama ako sa Heartful Café. Kasi siyempre, ito po ‘yung unang role na magagampanan ko sa GMA and gusto kong magawa ko talaga ‘yung best ko at maging ito na ‘yung big break ko.
 
“Hindi ko pa rin po kasi nakatatrabaho lahat ng co-stars ko rito sa show, pati ‘yung director po namin na si Direk Mark Dela Cruz ay ngayon ko pa lang din po nakatrabaho.
 
“Pero noong nag-start na po kaming mag-lock-in taping and araw-araw kaming magkakasama, talagang mararamdaman ‘yung care namin sa isa’t isa na para kaming isang pamilya. Mapa-crew, camera men, lahat ng tao sa likod ng camera at co-actors ko ay talagang napalapit na po sa puso ko. And ite-treasure ko po lahat ng memories na mayroon kami habang ginagawa namin itong Heartful Café.”
 
Dagdag ni Zonia, “Ito pong Heartful Café ang una kong teleserye na kasama ako sa main cast. Kaya talagang nagpapasalamat po ako sa GMA at saka sa manager ko pong si Ms. Joy Marcelo, sa handler kong si ate Sab Bulatao, and siyempre sa co-manager kong si mama Jun Reyes.”
 
Si Zonia ay produkto ng Pinoy Big Brother 737. Nakasama niya sa Bahay ni Kuya sina Barbie Imperial, Ylona Garcia, at Bailey May. Siya’y naging bahagi ng 2018 Star Magic Circle, ka-batch nina Leila Alcasid, Donny Pangilinan, Chantal Videla, at Tony Labrusca.
 
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …