Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine Guimary sa pagkokompara sa kanya kay Ivana Alawi — Ayoko ng competition, ibang level si Ivana

PRANGKANG inamin ng bagong ibini-build-up na sexy star ng Viva na si Sunshine Guimary na mapapanood sa kanilang bagong handog, ang Kaka na idinirehe ni GB Sampedro at mapapanood sa Vivamax na nag-enjoy siya kay Jerald Napoles at nabitin kay Ion Perez.

Sina Jerald at Ion ang leading man niya sa Kaka, isang sexy comedy film na mapapanood simula May 28, 2021.

Sa virtual media conference noong Linggo, sinabi ng vlogger at tinaguriang Braless Goddes na nabitin siya kay Ion sa kanilang sexy scenes dahil, ”kasi medyo limitado ‘yung mga bagay at nag-enjoy ako kay Jerald kasi siguro pareho kaming open sa lahat ng bagay.”

At dahil pa-sexy si Sunshine, naikompara ito kay Ivana Alawi.

Ani Sunshine, ”Ayoko ng competition. Kung ano ‘yung kaya kong gawin, paghihirapan ko ‘yun i-earn. Ayaw ko ng kompetisyon.

“Masaya ako na ikinukompara ako kasi ibang level si Ivana at masaya ako na ako ‘yung ikinukompara sa kanya,” sambit pa ni Sunshine.

Ang Kaka ay kuwento ni Katherine Bataan a.k.a. DJ, isang sex therapist sa radio na sa kabila ng pagiging mandirigma sa kama, hindi pa naranasan  ang “kaligayahan.”

Ito ay dahil sa sumpa sa lahat ng babae ng kanilang pamilya. Pero ang pinakahihintay ni Kaka na kaligayahan sa kama ay makakamit sa isang lalaki na nakilala niya sa isang party. Naniniwala si Kaka na ang lalaking si Levi (Ion) ang itinadhana para sa kanya. Sa lalaking ito ay handa niyang baguhin ang sarili. Tutol naman dito ang matalik niyang kaibigan na si Jorge (Jerald).

Kasama rin sa Kaka sina Gina Pareño (Lolita Kiri, lola ni Kaka), Rosanna Roces (Mama Kams at nanay ni Kaka), Maui Taylor (kasambahay na si Babet), at Jackie Gonzaga (Ate Girl).

Kasama rin sa movie sina Debbie Garcia, Juliana Parizcova Segovia, Andrea del Rosario, Giselle Sanchez, Sheree Bautista, Lander Vera-Perez, Josef Elizalde, Pio Balbuena, Billy Villeta, Yuki Sakamoto, at Minnie Nato, with special participation of Janine Teñoso, Marion Aunor and Ronnie Liang.

Ang theme song sa pelikula na pinamagatang Sunshine ay mula kina Juan at Kyle na umawit ng phenomenal na Marikit.

Panoorin ang premiere nito sa Vivamax kaya mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …