PINAGBABARIL hanggang napatay ang presidente ng Payatas Tricycle Operator and Drivers Association (PATODA) habang sakay ng kaniyang minamanehong tricycle ng iding-in-tandemsa Quezon City, nitong Linggo ng gabi.
Ang biktima ay kinilalang si Rogelio Macapanas, 51, may asawa, tricycle driver, presidente ng PATODA, tubong Eastern Samar at residente sa Daisy St., Barangay Payatas, Quezon City. Siya ay namatay noon din sanhi ng maraming tama ng bala sa katwan.
Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 6:30 pm, 25 Abril, nang maganap ang pananambang sa Honasan St., kanto ng Everlasting Barangay Payatas A, sa lungsod.
Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Angel Pascasio III, lulan ang biktima ng kaniyang minamanehong tricycle at ihahatid ang kaniyang dalawang pasahero.
Habang binabaybay ni Macapanas ang kahabaan ng kalye Honasan, biglang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang dalawang nakamaskarang lalaki sa kaniyang daraanan at agad pinagbabaril ang biktima.
Nang makitang duguang nakabulagta si Macapanas agad tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng Upper Jasmine St., sa nasabing barangay.
Nang umalis na ang mga suspek, agad humingi ng saklolo si Christian Harbisi sa mga tanod upang dalhin sa East Avenue Medical Center ang isa sa mga pasahero ng biktima na tinamaan ng ligaw na bala.
Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kinalaman bilang pangulo ng PATODA ang pananambang laban sa biktima. (ALMAR DANGUILAN)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …