Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trailer ng pelikulang Silab lumabas na, Cloe Barreto pinuri ang husay

NAPANOOD namin last Friday ang trailer ng pelikulang Silab na tinatampukan ni Cloe Barreto, kasama sina Jason Abalos, Marco Gomez, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Christine Bermas, Rie Cervantes, at iba pa.

Ito ang bagong obra ng premyadong direktor na si Joel Lamangan at mula sa panulat ni Raquel Villavicencio. Ang pelikula ay mula sa 3:16 Media Network.

Trailer pa lang ito, pero kitang-kita ang husay sa pagganap ng bidang si Cloe. Si Jason ay alam na natin na mahusay at ang rest ng casts ay pawang magagaling.

Dito’y nalaman namin kung bakit marami ang pumupuri sa acting ni Cloe sa naturang pelikula, kasama na si Direk Joel.

Ayon kay Direk Joel, “Para siyang hindi baguhan. Ang galing-galing niyang aktres. Parang si Jaclyn Jose noong nagsisimula siya sa pelikula.”

Mahirap ang papel ni Cloe rito, pero nagampanan niya nang maayos dahil talagang ibinigay daw niya ang lahat ng kanyang makakaya para huwag mapahiya kay Direk Joel.

Obserbasyon naman ng maraming nakapanood ng trailer, si Marco ay hindi nagpahuli sa galing nina Cloe at Jason. Tama nga ang sabi sa dalawang talent ng 3:16 Events & Talent Management, na para silang hindi mga baguhan.

Bukod sa husay ni Cloe sa pelikulang ito, kaabang-abang ang maiinit na love scene ni Cloe kina Jason at Marco. Hindi mabibigo ang mga mahihilig sa nakakikiliting love scene sa pelikulang ito, dahil may pasilip sina Cloe at Marco rito.

Pero, naniniwala kaming ang mas mapapansin sa pelikula ay ang ganda ng kabuuan nito, ang galing nga ng mga artista, at ang pagkakagawa rito ni Direk Joel.

Sa trailer pa lang, obvious na maraming kaabang-abang sa pelikulang ito. Isa na ang pakikipagsabayan ni Cloe ng aktingan sa veteran actress na si Chanda Romero. Hanep ang mga linyahan nilang dalawa sa movie.

Ang sample nito ay: Banat ni Chanda sa anak niyang si Cloe, “Huwag mo akong sisisihin sa pagiging puta mo,    put—g ina mo!” Sagot naman ni Cloe sa nanay niyang si Chanda, “Sino pa ba ang pagmamanahan ko?”

Sa panayam namin kay Cloe, nagpahayag siya ng kagalakan sa magandang feedback sa acting niya sa Silab.

Wika niya, “Sobra pong natuwa, na at least kahit paano ay napapansin ako. Pero ginawa ko po talaga ‘yung best ko, so parang nakatataba po ng puso na makarinig ka ng mga comments na ganoon.”

Ngayon pa lang ay kinakabahan na ang aktres dahil planong isali sa mga international filmfest ang kanilang pelikula.

“Yes po, kinakabahan po ako, wish ko po na makapunta ako sa film festivals, sa mga ganoong award-award, sana po makapunta at magkatotoo iyon,” nakangiting pakli niya.

Isang babaeng wild ang karakter na ginampanan dito ng 20-year old na si Cloe.

Kaabang-abang ang mga daring scene ni Cloe kay Marco. Si Cloe bilang si Ana at si Marco sa papel na Rod, ay kapwa may asawa na. Subalit naghanap si Cloe ng kakaibang init ng pagmamahal kay Rod, na hindi niya naramdaman sa mister niyang ginampanan naman ni Jason.

Ipinahayag ni Cloe na mas daring at mas mainit ang love scene nila rito ni Marco.

Mas marami rin ba silang lampungan dito ni Marco, kompara kay Jason?

“Opo, mas marami po ‘yung kay Marco, (kaysa) kay Jason,” nakangiting saad ni Cloe.

Sina Cloe at Marco ay kapwa nasa pangangalaga ng mabait na talent manager na si Ms. Len Carrillo.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …