Saturday , November 16 2024

Serye-exclusive: Villamin gustong pumasok sa politika

ni ROSE NOVENARIO

NAGING instant bilyo­naryo si Dexter Villamin ng DV Boer Farm Inc., dahil sa kanyang programang Pa-Iwi at Microfinance.

Kung dati’y napakaaktibo ni Villamin sa lahat ng social media platform at maging sa radyo at telebisyon, ni anino niya ngayo’y hindi mahagilap ng libo-libong investors na naniningil ng kita ng kanilang inilagak na puhunan sa DV Boer programs.

Hilong talilong ang investors kung saan siya hahanapin, sa Ayala Alabang at Versailles ba sa Muntinlupa City o sa Rockwell sa Makati City?

May ilang naghihi­nala na maaaring nasa Batangas lamang siya ngunit isang source ang nagtungo kamakailan sa DV Boer Farm sa Brgy. Balibago, Lian, Batangas pero ang sabi ng katiwala, hindi na halos nagpa­pakita roon si Villamin.

Kahit may mga syndicated estafa case na isinampa laban sa kanya sa iba’t ibang parte ng bansa, tila hindi natitinag si Villamin sa kanyang ambisyong manatili sa alta sociedad.

Nabatid sa source na plano umanong ituloy ni Villamin ang naunsyami niyang pangarap na maging politiko.

Nauna rito’y tinangka umanong gamitin ni Villamin ang koneksiyon sa militar upang i-red-tag si Magsasaka partylist Argel Cabatbat.

Suko hanggang langit umano ang galit ni Villamin kay Cabatbat matapos patalsikin ang kanyang grupo mula sa partylist nang magsunod-sunod ang mga rekla­mong isinampa ng investors laban sa DV Boer noong 2019.

Isa umano sa mga pangarap ni Villamin na maging ka-level ang mga naging kakiskisang sikong mambabatas na sina sina Senators Cynthia Villar at Senate President Tito Sotto. (May Karugtong)

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *