Wednesday , December 18 2024
Navotas

P32-M ibinalik ng Navotas para sa karagdagang ayuda

IBINALIK ng pamaha­laang lungsod ng Navotas ang ilang alokasyon nito para sa iba’t ibang tangga­pan upang maibigay ang enhanced community quarantine (ECQ) ‘ayuda’ sa lahat ng benepisaryo.

Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Appropriations Ordinance No. 2021-09 para sa reversion ng P32.4 milyong inilaan para sa machinery repair at maintenance, drugs at medicines, supplies at materials, at office equipment.

“We received P199,871,000 from the national government for ECQ ayuda. Of this, P199,098,000 has been distributed to 27,131 beneficiaries of Social Amelioration Program (SAP) Bayanihan 1; 855 recipients of SAP Bayanihan 2; 11,128 members of 4Ps; and 19,071 waitlisted in SAP,” paliwanag niya.

“As of April 23, we have a balance of P773,000, insufficient to cover the remaining 13,525 beneficiaries,” aniya. “We had to look for additional funds so we could provide the financial assistance.”

Ayon kay Tiangco, kailangang itaas ng lungsod ang tinatayang P34,320,000 upang maipamahagi ang cash aid sa 10,233 SAP waitlist, 2,690 registered persons with disability, at 592 registered solo parents.

“We are still short of around P2 million that is why we plan to use some of our Gender and Development Fund to complete the needed amount,” aniya.

Humingi si Tiangco ng pag-unawa sa publiko kung ang gobyerno ng lungsod ay kailangang talikuran ang ilang mga programa o proyekto.

“Just like in a family, when times are hard, we tighten our belts and give priority to things that are of utmost importance. We need to spend our limited resources prudently so we could all stay afloat until the pandemic is over,” pahayag niya.

(ROMMEL SALES)

 

About Rommel Sales

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *