Wednesday , November 20 2024

Mining ban ni PNoy ‘binawi’ ni Digong

SA PAMAMAGITAN ng Executive Order No. 130, tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang moratorium sa bagong mining agreement na kanyang nilagdaan nitong nakaraang 14 Abril 2021.

Sa nasabing EO, tahasang binaliktad ang bahaging  nilagdaan noong 2o12 ni dating pangulong Benigno Aquino III, na nagbibinbin sa paglagda sa mga bagong kasunduang mineral — hangga’t walang makatuwiran at makatarungang batas na nagtatakda ng ‘revenue sharing schemes and mechanisms.’

Pero dahil wala umanong batas na nagsasabi no’n, ipinamahala ni Pangulong Duterte sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang umano’y ‘batas’ na inaasahan dito.

Ibig sabihin ang EO 130 ni pangulong Duterte, ang magtatanggal sa mga restriksiyon sa mining sector na ipinairal noong 2017, kaya ipinasara ang 26 mining operations ng dati at yumaong environment secretary, na si madam Gina Lopez.

Ibig sabihin, lahat ng mga pinaghirapan ni Ms. Lopez, at ng mga nauna sa kanyang may malasakit sa kapaligiran ay mababelewalang lahat?

Ano ba ‘yan, tipong uwian na ba at kailangan nang samsamin ang lahat ng puwedeng baunin sa pagtatapos ng kanilang termino?!

Arayku!

Hindi natin akalain na sa ganito mag­wawakas ang administrasyong iniluklok ng 16 milyong Filipino.

Sabi nga ng kahuntahan nating si Ba Tasyo: “Yumaman na sa pamomolitika, sasairin pa ang likas na yaman ng bansa?! Wala bang kabusugan ang mga ‘buwaya’ sa gobyerno ngayon?”

Mantakin ninyo, nag-community pantry na ang mga mamamayang nagugutom dahil walang alam na solusyon sa pandemya kundi ‘lockdown’ at sa gitna niyan ay biglang tinanggal ang mining ban?

Saan dadalhin ng mga ‘hidhid’ sa gobyerno ang ating bansa at ang sambayanan?!

Hindi na natakot sa ‘paramdam’ ng panahon heto’t nakuha na namang linlangin ang sambayanan?

Sana lang, kung hindi natatakot ang mga hindoropot na magnanakaw at mandarambong  sa gobyerno, kalikasan na ang humusga sa inyo.

Mga hidhid!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *