Sunday , April 27 2025
shabu drug arrest

3 tulak ng droga, nalambat sa Navotas

NALAMBAT ng pulisya ang tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang 62-anyos lolo sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas City Police chief Col. Dexter Ollaging ang naa­restong mga suspek na sina Carl Lewis Urqueza, 21 anyos; Ernanie Santos, 43 anyos; nakalista  sa pagiging  pusher at Rey­nal­do Cruz, 62 anyos, lolo, pawang residente sa Wawa St., Brgy. Tangos South ng nasabing lung­sod.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 11:45 pm nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez sa kahabaan ng  bahay ng mga suspek sa nasabing lugar.

Nagawang makapag­transaksiyon ni Pat. Leo Dave Legaspi na nagpanggap na buyer kay Urqueza at Santos ng P300 halaga ng shabu at nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng droga, agad silang dinamba ng mga operatiba.

Kasamang inaresto ng mga operatiba si Cruz na sinasabing umiskor din ng droga sa dalawa at na­kom­piska sa mga suspek ang 10 plastic sachets na naglalaman ng 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P108,800 ang halaga, buy bust money at P300 cash.

Nahaharap ang mga kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *