Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marco Gomez, proud maging parte ng pelikulang Silab

AMINADO ang newbie hunk actor na si Marco Gomez na malaking blessing sa kanya ang pelikulang Silab. Ito ang launching movie ng member ng Belladonnas na si Cloe Barreto. Tampok din sa pelikula si Jason Abalos.

Wika ni Marco, “Talagang I feel blessed, kasi I’ve been in showbiz for almost four years and may time na gusto kong mag-give up. Kasi siyempre iba ang sistema rito sa Filipinas, tapos hindi Tagalog ang first language ko.

“So, may time na gusto kong mag-give up… pero since my father passed away, I promised him to continue this passion we both have.

“Tapos ayun, sobrang blessed ako na ibinigay sa akin ‘yung Silab. And maganda naman daw ‘yung feedback sa amin sa movie. So, I really feel blessed about it,” lahad ng 22 year old na si Marco na lumaki sa Austria. Siya ay six footer, moreno, isang singer, at martial arts black belter. Sinabi rin ni Marco na proud siyang maging part ng pelikulang Silab.

“Yes, I’m very proud, very proud. Especially ‘yung story mismo, maganda ‘yung story. Kasi bale ano siya e, ‘di ba crime of passion? And medyo dark ‘yung movie.

“Ang maganda roon, maraming twist, akala mo ito na, ‘yun pala mayroon pa, tapos mayroon pa!”

Pahabol na esplika pa niya, “Basta maganda ‘yung story and I’m proud to say na puwede naming ilaban sa international filmfest ito.”

Ang Silab ay sa direksiyon ng batikang si Joel Lamangan at mula sa 3:16 Media Network, owned ng manager nina Marco at Cloe na si Ms. Len Carrillo.

Ang pelikula ay sa panulat ni Raquel Villavicencio at tampok din dito sina  Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Christine Bermas, Rie Cervantes, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …