Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bernie Batin, ipinagdarasal na makatrabaho ang idol na si Vice Ganda

IPINAHAYAG ng komedyante at sikat na social media personality na si Bernie Batin na ipinapanalangin niyang makatrabaho ang idol na si Vice Ganda.

Aniya, “Simula pa noon pa po talaga, ang pinakapaborito kong komedyante ay wala pong iba, ang Unkabogable star, si mommy Vice Ganda!

“Siya po talaga ang inspiration ko sa pagpapatawa, siya po ay isang magandang halimbawa ng pagiging tunay na komedyante. Bukod pa sa isang mahusay na komedyante po, isang napaka-totoong tao at matulungin na tao siya.”

Dagdag ni Bernie, “Kahit paano, gustong-gusto kong sundan ang yapak ni Mommy Vice Ganda, kasi super-idol ko siya, at super bait at super love siya ng maraming tao. Iyon po ang gusto ko, maging love rin ako ng maraming tao.”

Sinabi pa ni Bernie na ipinagdarasal niyang makatrabao ang idolo.

“Opo, super-super-super na wish na wish ko po iyan talaga! Hindi lang po basta wish, ipinapanalangin ko po iyan talaga every now and then, ‘Na sana Lord, bigyan Ninyo po ako ng chance na maka-work po si Mommy Vice Ganda, kasi isa itong pangarap na talaga namang…’ Pangarap ng lahat, actually po e, marami pong tao ang nangangarap na makatrabaho po si Ms. Vice Ganda.

“Kahit tagagawa ng kape, tagamasahe, alalay… okay po sa akin iyon. Kahit maging part lang po ako ng pelikula niya or maging part lang ako ng show niya, magiging masayang-masaya na po ako,” nakangiting wika ni Bernie.

Incidentally, matapos mapanood sa Ayuda Babes, ang follow-up movie ni Bernie ay ang Yorme na isang musical biopic ni Manila Mayor Isko Moreno. Mula sa pamamahala ni Direk Joven Tan, tatampukan ito nina Xian Lim at McCoy de Leon, bilang batang Isko.

Si Bernie ay under contract sa Saranggola Media Productions kaya labis ang pasasalamat niya sa pamunuan nito sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

Sambit ni Bernie, “Sobrang thankful po talaga ako kina Direk Joven at Ma’am Edith (Fider) na managers ko po, dahil sila po ang naging tulay kaya ko po nakamit ang isa sa aking mga pangarap sa buhay, ang makapasok sa showbiz at maging artista.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …