Saturday , November 16 2024
dead gun

Tulak todas sa parak

PATAY ang isang tulak ng shabu makaraang makipag­barilan  sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Nalagutan agad ng hiningan ang suspek na kinilalang si  Arnel Rabot, 23 anyos, residente sa Brgy. Potrero ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat  ni Malabon  City Police Chief Col. Joel Villanueva, dakong 3:00 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni /PLt. Joseph Alcaraz ng buy bust operation laban sa suspek sa kanyang bahay sa nasabing lugar.

Nagawang makapag­transaksiyon ni P/SSgt. Sembrero na nagpanggap na poseur-buyer sa suspek ngunit nakatunog ang pulis na Rabot, kanyang katran­saksiyon.

Kaagad bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang poseur-buyer na naging dahilan upang mapilitang gumanti ng putok ang back-up na operatiba na si P/Cpl. Cabrera III, nagresulta sa kamatayan ni Rabot.

Narekober ng nagrespondeng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang isang cal. 38 revolver, kargado ng tatlong bala at isang missed fire, dalawang fired cartridges, dalawang bala, limang plastic sachets ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *