Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Sobrang daldal kulang sa gawa, pero super epal

IMBES mag-ambag at tumulong, nananakot pa itong  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga organizer ng community pantry.

Hey Sir, Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., what’s happening?!

Bakit parang nanggigigil ka sa community pantry at parang gusto mong ‘tirisin’ ang organizers?!

Ano ba ang nasasaling nila sa iyo?!

Kasi naman Sir, ang dami ninyong daldal. Bakit hindi kayo mag-isip ng proyekto na makatutulong sa mga apektado ng pandemya?

Isang tanong lang Sir, masama bang gumawa ng mabuti sa kapwa?

Palagay ba ninyo, kapag nagpakain ka ng nagugutom magiging ‘komunista’ ka na?!

Ang dami pong nagtatanong niyan Sir. Nagtataka sila sa inaasal ninyo.

Mantakin ninyo, ihambing n’yo pa sa satanas si Patreng?!

Tsk tsk tsk…

Masyado namang desperasyon ‘yan Sir?!

Sabi nga ng netizens, kayo raw ni Loraine Badoy, may sahod na, may sayad pa?!

Excuse me po!

Congratulations Sir Parlade, as of 9:22 pm kagabi e trending ka sa 38,300 tweets!

Naalala ko tuloy ‘yung isang beteranong mamamahayag. Iisa lang ang sigaw no’n, “Satanas, kunin mo na si Parlade! Bwahahahaha!”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …