ANIM na taong gulang pa lamang ay kinakitaan na ng hilig sa pagkanta si Enzo Morales, 28, kaya super proud ang ama niyang lagi siyang pinakakanta sa tuwing may pagtitipon sa kanilang bahay.
Ang kantahang iyon ay nagsisilbing bonding ng kanilang pamilya at kamag-anak. Ani Enzo, ”Singing is our brand of bonding whenever there’s a gathering in the house. At first, my dad and my mom pushed me to sing. I have two older sisters who sing as well. They also made an impact to pursue this passion of mine.”
Magaling man kumanta hindi iyon pansin ni Enzo. O sabihin na nating, kulang ang bilib niya sa sarili. Pero parte siya ng choir noong nasa elementarya sa Nagcarlan Montessori Center at maging noong nasa hay-iskul siya sa St Mary’s Academy sa Nagcarlan.
Hindi rin siya mahilig sumali sa mga singing contest dahil mahiyain. Pero nang magkalakas ng loob, nanalo naman siya.
“I am a very shy type and joining different contests is not my thing. Don’t get me wrong I love music, but I’m just really shy. I’m not the type who frequently joins (kontesero) singing competitions.
“My very first competition was during my senior year in high school I sang ‘Always Be My Baby’ by David Cook and placed 1st runner up,” kuwento ni Enzo.
After ng unang competition, ang sumunod na ay sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) 2014. ”I only decided to level up my passion for singing when I joined the WCOPA. When I passed the audition, and had the chance to represent the Philippines and bagged four awards.”
Sa WCOPA, nagwagi siya ng isang gold, isang silver, at dalawang bronze medals. Ito na ang nagbigay-daan na tutukan na niya ang pagkanta.
“I realized that I have to use the gift and share it with people. After that WCOPA experience–it won’t be my last because I am still open to opportunities,” sambit ni Enzo.
Subalit nang magig isang Flight Attendant sa Philippine Airlines lumihis ang hilig niya. Nakatuwaan niyang magbenta ng mga imported goods tulad ng bags, shoes, at alahas.
“Whenever I am in my home town I help my parents with their car insurance business, piggery, and fruit plantation,” kuwento pa ng B.S. Psychology graduate sa Far Eastern University.
Naiba man ang mga ginagawa, hindi nawala ang pagkahilig ni Enzo sa pagkanta at ang pangarap na maging isang magaling at kilalang singer.
“I mostly feel alive whenever I perform. It makes my soul very happy while the adrenaline it gives me–I feel like I’m a different person every time I perform.
“Of course, with the applause of the people who appreciate my voice, I can feel that I am doing something good in my life and serving my purpose,” paliwanag pa ni Enzo.
Hilig ni Enzo ang R&B music. At para lalong mapagbuti, nagpa-voice coach siya. Actually, isa si Jed sa tumulong mag-coach sa kanya nang sumali siya sa WCOPA.
“I must say after WCOPA–I was able to perform in different radio stations and TV networks–like DZRH, Eagle network by INC, ASOP A Song of Praise, DZMM Teleradyo, Wish FM, and Walang Tulugan with Master Showman. I had the chance to be a guest singer at Coconut Festival in San Pablo Laguna.”
Ang pagkanta rin niya ang naging daan para makaarte. Lumabas siya Maalaala Mo Kaya. Sumali rin siya sa Center for Pop Music at Star Magic workshops.
Sinabi ni Enzo na ginagawa niya ang mga ito para lalo pang mabuo ang tiwala sa sarili at mapagbuti pa ang kanyang talent.
Hindi rin siya titigil hangga’t hindi nakakamit ang matagal nang pangarap, ang maging isang kilala at mahusay na mang-aawit.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio