ni ROSE NOVENARIO
NAGSULPUTANG parang mga kabute ang community pantry sa buong bansa na nagsilbing munting talipapa na pinilahan ng mga maralita upang makakuha ng libreng pagkain.
Ngunit kay Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin ng DV Boer Farm, naging isa sa mga behikulong pinagkakitaan niya nang malaki ang ‘talipapa.’
Bukod sa multi-milyong pisong siningil sa kanyang sub-farms para sa accreditation at royalty fees, binentahan din sila ni Villamin ng DV Boer Talipapa franchise sa halagang P500,000.
Inilahad ng isang blogger sa dvboerscam.com, mula sa kalahating milyong piso ay itinaas ni Villamin ang talipapa franchise fee sa minimum na P10 milyon at kung airconditioned na lugar ang gusto ay P20 milyon.
Ikinatuwiran umano ni Villamin na kaya mataas ang presyo ng talipapa franchise fee ay dahil magbebenta ito ng maraming produkto tulad ng goat meat, poultry, pork, at iba pang agricultural products.
Naengganyo niya ang sub-farms na mabilis naglabas ng pera para sa DV Boer Talipapa franchise fee pero walang natupad sa kanyang mga pangako.
“DV also sold a DV Boer Talipapa franchise to the sub-farms in the amount of P500,000. Soon, he increased it to P10-M minimum, with the option of an air-conditioned DV Boer Talipapa which costs P20M. According to DV, the franchise fee of the said talipapa is high because it will soon offer a wide variety of products like goat meat, poultry, pork, and other agricultural products. Sub-farms were quick to pay the franchise fee of DV Boer Talipapa, but none of his promise materialized.”
Binuhay niya ang iskema ng pagbebenta ng franchise sa mga inosenteng biktima sa pamamagitan ng kanyang Familyhan Foodmart.
Prinesyohan ni Villamin ng kalahating milyong piso ang Familyhan franchise kahit walang mga produkto at matatag na supply chain.
“He is now reviving this scheme of selling franchise to clueless victims through his Familyhan. The said franchise costs P500,000, but has no products, established supply chain, or any goodwill whatsoever.”
Tila unlimited ang iskemang naiisip ni Villamin para makahuthot ng kuwarta mula sa sub-farms, at investors, lalo sa overseas Filipino workers (OFWs).
Itinatag niya ang DV Boer Microfinance na ang sub-farms ay nagbigay ng kontribusyon mula sa kinita sa Pa-Iwi investors para sa ‘ emergency purposes.’
Tumanggap din ng kontribusyon ang DV Boer Microfinance mula sa OFWs at pinangakuan silang kikita ng 33% kaya’t lomobo sa P700 milyon ang kabuuang kontribusyon.
“DV established a microfinance wherein sub-farms will contribute a portion of their paiwi investors “earnings” to the DV Boer Microfinance for “emergency purposes.” To make the Microfinance work, he appointed his friend, Gilbert Bugia – owner of Northwinds Fine Herds – as President. Soon, DV Boer Microfinance was soliciting money not only from the sub-farms, but also received contribution from OFWs with a guaranteed interest of 33%; the total amount of contributions ballooned to around P700M.” (May Karugtong)