Friday , November 15 2024

Mga kapalpakan sa pagbibigay ng ayuda

MGA menor de edad, pamilyang may OFW na sumusuporta at mga patay na ang ilan sa nakalista sa mga listahan ng mga local government, kaya naman sangkaterbang reklamo ang natatanggap hindi lamang ng mga local government kundi hanggang sa social media.

Sino ba ang may sala at mga dapat sisihin sa mga pangyayaring ito? Siyempre walang iba kung hindi ay ang mga naglilista ng mga pangalan na dapat tumanggap ng tulong o ayuda ng pamahalaan, isa na rito ang mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umaasa lamang sa mga rekomendasyon o isinumiteng mga pangalan ng pamilya na mga benepisaryo ng ayuda.

Kadalasan, nakikialam pa ang mga alkalde. Prayoridad ang kanyang tagasuporta o nagpakahirap sa kanya sa panahon ng halalan kaya kung ikaw ay kalaban, etsapuwera ka. Hindi ka kasama sa bigayan ng ayuda.

Puwede rin bigyan ng ayuda pero imbes 4K, isang libong piso lamang ang ibibigay para masabi lang na nabigyan ang constituents.

Halimbawa, sa San Jose Del Monte City, Bulacan  pinapipirma sa isang waiver ang lahat ng tumanggap ng isang libong piso. Bakit? Ayon sa lokal na pamahalaan, isang pagpapatunay na wala silang reklamo nang tanggapin ang 1k. Dito na makikita ang katiwalian dahil ang numerong 1 ay madaling gawin na no. 4  wow ha! Forgery na agad!

Kung bibilangin ang nabigyan ng 1k sa SJDM malaking pera na ang nawala.

Pinasukan pa ng away politika sa SJDM sa pagitan ng Muzon Barangay Captain at Mayor Arthur Robes, sino ang nagsasakripisyo? Siyempre ang taongbayan ng Barangay Muzon. Ang sistema pa, kung ikaw ay tagasuporta ni Mayor Arthur Robes, 4k ang ibibigay na ayuda at ipo-post pa sa social media upang mapa­niwala ang taongbayan na 4k ang ibini­bigay na ayuda.

Sa facebook account ng San Jose del Monte netizens, sangkaterbang reklamo ang makikita.

Palpak na nga ang database ng DSWD dahil mga tamad gumawa ng census at umaasa lang sa isinumiteng pangalan ng lokal na pamahalaan na hinokus-pokus na may mga kasamang pangalan, kahit hindi karapat-dapat bigyan.

Pero kung ikaw ay supporters ng alkalde, sigurado isa ka sa beneficiary kaya kahit menor de edad pa ang anak kasama sa listahan.

Sa paggawa ng listahan dapat sa isang pamilya ang head of the family lamang at ilang miyembro o mga anak sa loob ng bahay. Kaso ililista na ang pangalan ng head of the family, pati na ang mga anak o kapatid na kasama sa bahay ay ililista kaya nagkakadoble-doble.

Simple lang ang tanong, ilan kayo sa bahay na ito? Dahil ang direktiba ay kung hihigit sa apat na miyembro sa isang bahay, awtomatikong 4k ang ayuda. Kung dalawang pamilya sa isang bahay, hanggang 4k lang problema na nila ‘yan kasi ang dapat ay ilan ang nakatira sa iisang bahay.

Kaya dapat madaliin ang national ID system. Isa ito sa mga magiging basehan para matukoy kung karapat-dapat bang mabigyan ng tulong sa panahon ng kalamidad at sa ganitong sitwasyon ng pandemya.

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *