Saturday , November 16 2024

Serye-exclusive: DV Boer Farm ‘nanganak’ ng pitong kompanya sa SEC

ni ROSE NOVENARIO

PITONG kompanya ang ‘inianak’ ng DV Boer Farm Inc. ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a Dexter Villamin at ipinarehistro niya ito sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Nabatid ito kay Irish Fajilagot, isang investor at kinatawan ng 290 investors ng DV Boer, sa kanyang liham kay SEC Chairman Emilio Aquino.

Sinabi ni Fajilagot, hinala ng DV Boer Farm investors, dinala ni Villamin ang multi-bilyong pisong puhunan na inilagak nila sa kompanya para sa Pa-Iwi Program at microfinance contribution sa pitong iba pang kompanya niya bukod sa ipinantustos sa maluhong pamumuhay ng kanyang pamilya.

“That there are other companies registered allied to DV Boer Farm Corp.., on which the money of investors might had been divested away from the original intent of the Pa-Iwi program and microfinance contributions,” ayon kay Fajilagot.

Batay sa dokumen­tong mula sa SEC, bukod sa  DV Boer Farm Corporation at DV Boer Microfinance Inc., ang pito pang ibang kompan­yang nakarehistro ay DV Boer Farm Foundation Inc. (CN201808994); DV Boer Security Agency Inc. (CS201734804); DV Boer Properties Inc. (CS201734939); DV Agri Solutions Corp. (CS201917791); DV Garments International Corp. (CS201951773); DV Grand Dairy Farms International Corp. (CS201953149), at DV Foods Corporation (CS201951836).

Maaari rin aniyang may koneksiyon din kay Villamin ang dalawa pang kompanya na rehistrado sa Singapore, ang Singapore (United Peoples Farm Holdings Pte Ltd (UEN 20193723H), at DV Central Livestock Marketing & Farm Services Pte Ltd. (UEN 201937168D) dahil nanghihikayat din ng investors na maglagak ng puhunan sa agribusiness.

Partikular na hiniling ng DV Boer Farm investors sa SEC na tulungan silang magbalangkas ng affidavits upang maka­pag­sampa ng class suit laban kay Villamin.

Bistado na nila na isang scam gaya ng ponzi scheme ang Pa-Iwi program at Microfinance program ng DV Boer ngunit responsibilidad ng SEC na mag-isyu ng updated advisory kaug­nay sa tunay na negosyo ng kompanya upang maprotektahan ang mga mamumuhunan, kasama ang paglalabas ng cease and desist order, isang hold departure order, freezing of assets upang hindi na makapanloko pa, at hindi makatakas sa mga obligasyon sa kanyang investors si Villamin.

May ulat na may koneksiyong ginagamit si Villamin sa SEC kaya hindi umuusad ang reklamo ng investors laban sa kanya.

(May karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *