Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maymay may nagpapasaya na

UMAMIN si Maymay Entrata na may nagpapasaya na sa kanya. Kasabay nito ang paghiling na respetuhin ang hindi niya pagbanggit sa  pangalan ng lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon.

Ang pag-amin ay isinagawa ni Maymay sa Mega magazine.

Sinabi ng dalaga na masaya ang puso niya nang matanong ang kanyang lovelife.

“Sa totoo lang po may nagpapasaya na po sa aking puso at nawa’y kahit anong maging desisyon namin ay respetuhin po ‘yun ng aking mga tagasuporta.”

Sa binitiwang ito ng dalaga, pahulaan ang netizens. May humulang posibleng si Edward Barber iyon. O posible namang hindi taga-showbiz ang tinutukoy ni Maymay kaya ayaw niyang banggitin ang pangalan niyon.

Nasabi noon ng Mayward na, ”Sa loob po ng tatlong taon na nandito ang Mayward, nakita niyo po at narinig niyo mula mismo sa aming dalawa ang tunay na nararamdaman namin para sa isa’t isa. Masaya at masarap po sa pakiramdam ang idea ng isang romantic relationship, but as we go along our journey, we realize na hindi basta-basta lang to get into a relationship.

“Sa ilang taon naming pagsasama, sa trabaho man at sa personal, pareho po namin na-realize na sa estado ng buhay namin ngayon, we both are still very young and there is so much more we still want to achieve in our lives.

“Pareho po namin na-realize that being the best of friends will even be more beneficial for us. Mas komportable kami na makakapagtrabaho. Wala pong pagbabago. Kami pa rin ang magkasama dahil there’s no one else we would rather work with than each other.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …