GRABE pala ang pinagdaanan ni Iwa Moto ukol sa usaping mental health. Kinailangan niyang magpakonsulta sa dalawang Psychiatrist at tatlong psychologist.
Sa panayam sa aktres ng 24 Oras, inamin nitong isa ang mental health sa pinakamatinding pagsubok na hinarap niya sa buong buhay niya.
“Rati kasi rather than harapin ko ‘yung problema ko, I run away. Kasi nakakapagod, nakaka-stress, nakakaubos ng pagkatao,” sambit ni Iwa na ang unang nakapagpalungkot sa kanya ay ang pagkamatay ng kanyang ama noong 2009 at ang paghihiwalay nila ng dati niyang asawa.
Bagamat may mga sign at symptom na siya ng karamdaman, hindi ito pinansin ng aktres.
“Nagba-blackout na hindi ko alam ang ginagawa ko. Bago nila ako nabigyan ng findings, it took me two psychiatrists and three psychologists para lang ma-confirm what was the real problem,” pagbabahagi nito.
Taong 2017 nang malaman niyang mayroon siyang bipolar disorder with severe panic attacks at post-traumatic disorder. Kaya naman humingi na siya ng tulong ng Psychiatrist at Psychologist.
Sa ginawa niyang ito naging maayos ang kanyang pagtingin na sa buhay. Kaya na niyang makipag-usap sa ibang tao tungkol sa mga pinagdaanan niya .
Aniya, ”I’m not saying I’m perfect. I am far from being perfect but I am better right now.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio