Monday , December 23 2024

Charlie wala pang offer sa Doctor Foster

ITINANGGI ni Charlie Dizon ang balitang kasama siya sa cast ng Philippine adaption ng British drama series na Doctor Foster.

Ang paglilinaw ni Charlie ay tugon sa mga usap-usapan na gagampanan niya ang karakter ng isang kabit sa naturang serye. Kasama si Charlie sa usap-usapang magiging cast ng Doctor Foster gayundin si Judy Ann Santos.

At sa ginanap na virtual media conference launching ng Star Magic Summer Workshop, sinabi ng aktres na wala siyang natatanggap na offer.

“Wala pa talaga sa aking nasasabi na ganoon. Nagugulat na lang din ako sa mga balitang lumalabas. Pero wala pa talaga,” paglilinaw ng 25 taong gulang na aktres.

Tatanggapin naman ni Charlie ang role ng isang kabit sakaling ialok sa kanya ang role para sa Doctor Foster.

Aniya, ”Of course. Napanood ko po talaga ‘yong Korean version niyon. But sa ngayon po talaga wala pang sinasabi talaga sa akin na ganoon,” giit pa ng aktres.

Ang tiyak na gagawin ni Charlie ay ang dalawang projects sa ABS-CBN, ito ay ang drama series na Viral at ang iWant TFC Original na My Sunset Girl.

Nang matanong pa si Charlie kung willing itong tumanggp ng matured roles na tulad ng ginampan niya sa Fan Girl, agad itong sumagot ng, ”Opo. Napag-uusapan naman iyon kada project at depende namant alaga sa material. Iyon ‘yung tinitingnan talaga. Hindi ako maarte sa pagtanggap ng roles,” sambit pa ni Charlie.

Sa kabilang banda, aminado naman si Charlie na nape-pressure siya sa tuwing may bagong project lalo’t nakadalawa na siyang panalo ng pagiging Best Actress. Ang isa ay mula sa MMFF at ang isa ay sa The Eddys.

“Hindi ko na nga po masya iniisip na nanalo ako, kasi ‘yun ‘yung napi-feel ko, napi-pressure ako.

“Bale ang ginagawa ko na lang po, mas ginagalingan ko ang ginagawa ko,” sabi pa ni Charlie.

Si Charlie ay graduate ng Star Magic Workshop kasama sina Jayda at Jaoao Constancia. Aniya, malaki ang pasasalamat niya sa workshop na ito lalo’t ito ay nakatulong sa kanya sa mga napagwagiang pagkilala sa husay ng kanyang pag-arte.

“Roon ko napa-practice ‘yung mga skill na mayroon na ako at doon ko nalalaman ‘yung mga sikill na wala pa ako. Iyon ang importance ng workshop, mas makikilala moa ng sarili mo.

Sa kabilang banda sinabi naman ni Rahyan Carlos, head ng Star Magic Artist Training and Workshops, na lalo pa nilang pinagbuti ang paghahanap ng paraan kung paano mas epektibong makapagwo-workshop ang kanilang mga estudyante.

Hindi rin sila nagpa-apekto sa pandemya siya kasama ang mga teacher niya ay nagsasagawa ng workshops online via Zoom. Inilunsad nila ito noong June 2020.

“Last April 2020, after a month-long of intensive studying, auditing classes abroad and transposing modules online with my teachers, we resumed the training for acting, dance, voice and conversational tagalog via Zoom. And it worked!”  

“We had 250 students all over the world during the pandemic, from 22 participating countries such as England, London, New Zealand, Singapore, Japan, Australia, Florence Italy, Virginia, New York, LA, Guam, Malaysia, Papua New Guinea, France, New Jersey, Dubai, Qatar and Canada. We had live and recorded online recitals and culminating activities of all our workshops and people were so entertained and cheered for their loved ones who participated in the online training.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *