Wednesday , September 18 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Unchristian’ bang magtanong kung ano ang katotohanan, Secretary Harry Roque?

SORRY is just a five-letter word, pero hirap na hirap sabihin ng mga taong guilty sa kanilang pagkakamali.

Hindi natin alam kung nais ipagyabang ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagiging pribilehiyado niya sa UP-PGH kaya imbes magpakababa ng loob ay buong ningning na ipinagmalaki niya ito.

Naalala ko tuloy ang kuwento ng ibong nakahanap ng init sa ‘ebak’ ng buffalo sa gitna ng niyebe.

Nang makaramdam ng init sa katawan, aba biglang napasipol, hindi niya alam, mayroon palang nag-aabang na hyena, kaya nang marinig ang ibon ay biglang sinakmal.

Ang aral daw sa kuwentong ito: kung masaya ka na sa iyong kinalalagyan, huwag ka nang maingay, lalo’t maraming nagdurusa sa iyong paligid.

Hindi natin sinasabing, sana’y sumama si Roque sa hanay ng CoVid-19 patients na nakapila para ma-admit sa UP-PGH, pero sana ay tumahimik na lang muna siya.

Ang hindi natin maintindihan, hindi ba’t kapag CoVid-19 patient, dapat ay namamahinga?

Bakit kailangan pa niyang bumandera sa  telebisyon, para ipakita ang pagiging pribilehiyado niya?!  

Kailangan ba talagang ipamarali ang suwerteng kapalaran mo Secretary Harry para may managhiling mga kababayan natin na walang-wala?!

Sana kapag nag-iisa ka na, pag-aralan mong maigi itong mga sinabi mo:

“Wala pong pagkakaiba ang UP-PGH sa UP Diliman, hindi po pupuwede ang palakasan dito. Noong ako po’y pinapasok ng aking mga doktor, it was because the condition merited admission at mula po noong nagkaroon ako ng sintomas, Lunes pa, bagama’t ako’y nag-test positive ng Tuesday, ipinagbigay-alam ko na po sa mga doktor ko – lahat po sila tagarito sa PGH.”

“Lahat po ng nag-aalaga sa akin ay taga-PGH, mga kasama ko sa faculty, mga faculty po sila ng College of Medicine at matagal ko na po silang mga doktor sa mula’t mula pa ‘no. At ‘malalim’ din po ako sa PGH dahil dito ako pinanganak, miyembro ako ng asosasyon ng mga ipinanganak rito na tumutulong sa PGH.”

Sinabuyan ka ng sandamakmak na suwerte Secretary Roque. Hindi gaya ng mga kababayan nating walang-wala kahit ano.

Naghihintay lang sila ng awa mula sa mga diyos-diyosan sa gobyerno na hanggang ngayon ay hindi nagwawasto kung paano reresolbahin ang pandemya.

Buong pagkayamot na tinawag ni Sec. Roque na ‘unchristian’ ang tanong ng media at hindi niya inilahad kung paano siya mabilis na na-accommodate sa PGH noong nakaraang Biyernes, 9 Abril.

Dinagdagan pa niyang, “With all due respect, I think that’s unchristian question,” ani Roque sa virtual Palace press briefing.

“Ang aking assurance lang, sa administrasyon po ni Presidente Duterte, lahat ng mayroong pangangailangang medikal e mabibigyan po ng tulong at iyan na rin naman po ay dahil din doon sa ating (i)sinulong na Universal Health Care noong 17th Congress,” pagmamayabang pa ni Secretary Harry.

Sinasabi ito ni Secretary Roque habang marami tayong kababayan na namamatay habang nasa ambulansiya o habang nasa pila o habang nasa isolation facilities.

Sabi nga sa kantang Monalisa: “They just lie there and they die there.”

Imbes mag-sorry, nakuha pang manghusga na ‘unchristian’ ang reporter na nagtanong sa kanya…

Ibabalik lang po natin, kristiyano ka ba, Secretary Harry Roque?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paglalantad sa backdoor

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MATAPOS mapanood ang privilege speech ni Senator Raffy Tulfo …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Serbisyo ng LTO, hanggang Sabado na

AKSYON AGADni Almar Danguilan PASO na ba ang inyong lisensiya sa pagmamaneho at hindi makapag-renew …

Dragon Lady Amor Virata

TODA nangnongontrata ng pasahe

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SA GILID ng gusali ng Pasay City Public Market, …

Sipat Mat Vicencio

Go, Bato masisibak; Tol makasisilat

SIPATni Mat Vicencio SA TATLONG reeleksyonistang senador ng Partido Demokratiko Pilipino o PDP, malamang si …

YANIG ni Bong Ramos

Ayuda para sa senior citizens at PWDs sa Lungsod ng Maynila, masyado nang delay

YANIGni Bong Ramos NAG-IIYAKAN na ang hanay ng senior citizens at persons with disability (PWDs) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *