Wednesday , December 25 2024

Serye-exclusive: SEC exec ‘deadma’ sa DV Boer investors

ni ROSE NOVENARIO

ISINUMBONG ng may 291 investors sa liderato ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang isang opisyal ng ahensiya na matamlay sa idinulog nilang reklamo laban sa DV Boer Farm Inc., ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin.

Inilahad ni Irish Fajilagot, investor at kinatawan ng 290 pang investors ng DV Boer at subfarms nito, sa kanyang liham kay SEC Chairman Emilio Aquino noong 5 Abril 2021 ang apela na aksiyonan ang kanilang reklamo na natengga kay Atty. Oliver Leonardo, pinuno ng Enforcement and Investor Protection (EIPD) ng SEC.

Inilahad ni Fajilagot sa zoom meeting noong 26 Marso 2021 ng 100 investors kay Leonardo, ay natuklasan nilang walang ginawang aksiyon ang EIPD upang imbestigahan at i-audit ang DV Boer.

“The undersigned, acting on behalf of the 290 investors of DV Boer Farm and affiliates (sub farms) under the pa-iwi and microfinance program, with the authorization given to me (duly signed with their respective IDs) would like to escalate and appeal to your Office, the apparent lack of attention and the inaction from the Enforcement and Investor Protection Department which is evident with our Zoom meeting between SEC EIPD representatives headed by Atty. Oliver O. Leonardo and the 100 investors who attended,” aniya.

Nagkaisa aniya ang mga investor na dumalo sa zoom meeting na hindi susuportahan ni Leonardo ang kanilang reklamo laban sa DV Boer kahit man lang sa pagbalangkas ng affidavit na puwede nilang gamitin sa korte.

“During the March 26, 2021 Zoom meeting (and subsequently as discussed between the investors right after the meeting), it is our consensus that EIPD is not willing to support the 290 investors complaining against DV Boer Farm aside from Atty. Leonardo’s communicated assistance in drafting the affidavits should investors intend to pursue case in court.”

Ang inasta umano ni Leonardo sa zoom meeting ay malayo sa inaasahang ayuda mula sa SEC ng mahigit 290 investors na bumilib sa tagumpay ng SEC sa korte sa ipinursigi nitong kaso laban sa mga utak ng investment scam sa pangunguna ni Rolando Pascua dahil sa paglabag sa Section 8 ng Republic Act No. 8799 o The Securities Regulation Code.

“This seems to be a betrayal of trust from the 290 investors (with others still coming in) anticipating a more active pursuit from SEC, particularly we are one in celebrating the published legal victory of SEC dated December 15, 2020 against perpetrators of investment scam, with the decision dated 27 November 2020 from Quezon City Regional Trial Court Branch 90 which found Rolando R. Pascua, Jr., et al, guilty for violations of Section 8 of Republic Act No. 8799, wherein the investors felt and continue to feel that there are no support to be expected from SEC to protect our investments. Thus, we escalating this concern to you Sir, as Chairman of SEC,” ani Fajilagot.

Binigo aniya ni Leonardo ang ilan sa mga layunin sana ng zoom meeting na makakuha ng kaukulang impor­ma­syon, record ng kanyang investment at legal assistance na kinakailangan upang mabigyan ng proteksiyon at mabawi ang kanyang puhunan mula sa mga programa ng DV Boer.

Hindi rin aniya naibigay ni Leonardo ang dahilan ng pagkaantala ng pagkakaloob ng secondary license sa DV Boer Farm at kung bibigyan ng nasabing lisensiya upang bigyang-linaw ang kanyang agam-agam.

Nais sana niyang maberipika sa SEC kung kasama ang kanyang pangalan sa isinumiteng listahan ng DV Boer na Pa-Iwi investors nito.

Ilan sa mga pakay nila sa zoom meeting ay “to file a complaint with SEC against the DV Boer Pa-iwi Program for soliciting investment despite not having secondary license; to seek guidance and clarification on the acceptability of convertible notes currently being offered by DV Boer Farm and its affiliated sub-farms; to explore options on how I can get my investment back through farm takeover, filing a case in court, either or both and to clarify with SEC as DV Boer Microfinance Inc. contributor, with an investment contract separate from the pa-iwi program, if my contributions requires the same secondary license, and if already covered by the issued April 30, 2019 SEC advisory and with the subsequent lifting of the advisory on January 31, 2020, and is therefore seeking assistance in auditing and investigating where my investment went.”

Inamin ni Leonardo sa pulong na P1.3 milyon lamang ang ibinayad ng DV Boer sa P3 milyon settlement offer nito sa komisyon.

Kinompirma aniya ng SEC official na ilang kinatawan ng SEC EIPD ang bumisita sa DV Boer Farm sa Lian, Batangas upang magsagawa ng visual inspection ngunit walang ginawang audit o investigation gaya ng “financial audits, opening of books.”

“This validates the September 1, 2019 video broadcast by Soliman A. Villamin, Jr., to which he narrated that SEC representatives were overwhelmed with the number of animals in the farm, wherein the representative from SEC stopped counting at 2,000 heads of goats, already visually overwhelmed, when in fact this is a very small portion of the total livestock that investors own.” (May Karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *