Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

AJ tuloy sa pagpapa-sexy kahit tutol ang amang si Jeric

MAY all the way na eksena si AJ Raval sa mystery love story na Death of a Girlfriend ng Viva Films.  Kasama niya sa pelikulang ito si Diego Loyzaga.

Bagamat mapangahas ang role sa Death of a Girlfriend, hindi nagdalawang-isip ang anak ni Jeric Raval na gawin iyon. Katwiran niya, trabaho niya iyon bilang aktres at wala siyang malisya.

Bale 2nd movie na ni AJ ang Death of a Girlfriend. Una niyang ginawa ang Paglaki ko gusto kong maging Pornstar.

Sa virtual media conference ng  Death of a Girlfriend natanong ang aktres kung okey lang sa ama nitong si Jeric na gumawa ng mga sexy film.

Ani AJ, okey lang sa kanyang ama ngayon pero hindi nito tanggap ang mga sexy photo niya sa kanyang Instagram account kaya naman tinanggap niya iyon.

“Sa totoo lang po, hindi sila naging supportive noong una. Pero ngayon naman po, hinahayaan na po nila ako.

“Nagalit po (sexy picture sa IG) siya kaya ngayon deleted na ‘yung post ko. Ipinaalis po.

“Nagalit po siya kasi pinag-usapan na namin na magpapaseksi po kung work lang po, kapag kailangan.”

Sinabi pa ni AJ na medyo mahigpit ang amang si Jeric at istrikto pagdating sa mga manliligaw.

“Pero ngayon, mabait naman ‘yung boyfriend ko, close sa family so okey naman kami ngayon. Okey na sa kanya,” aniya.

Samantala susunod na gagawin ni AJ ang remake ng Scorpio Nights. Ito ay dating pinagbidahan ni Anna Marie Gutierrez noong 1985 at naging launching movie naman ni Joyce Jimenez noong 1999.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …