Wednesday , December 25 2024

SERYE-EXCLUSIVE: Senado kinalampag ng e-mail barrage (DV Boer pinaiimbestigahan)

ni ROSE NOVENARIO

KINALAMPAG ng electronic mail (e-mail) barrage ang mga senador ng overseas Filipino workers (OFWs) upang hikayatin na maglunsad ng imbestigasyon sa multi-bilyong pisong agribusiness scam ng DV Boer Farm, Inc., na bumiktima sa libo-libong Pinoy sa loob at labas ng bansa.

Nakasaad sa e-mail sa mga mambabatas at kay Atty. Philip Lina, committee secretary ng Senate Committee on Agriculture, na ipinadala ni Seve Barnett Oliveros, isang OFW na nakabase sa Saudi Arabia at Pa-Iwi investor mula noong 2017, ang kahilingan na siyasatin at isailalim sa audit ang Pa-Iwi at Microfinance scheme ng DV Boer Farm at DV Boer Microfinance ni Soliman A. Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin.

“I am an investor of DV Boer Farm Pa-Iwi and Microfinance Program of Mr. Soliman A. Villamin, Jr., (aka DV, Dexter) and is part of the 290 fellow investors of DV Boer Farm, and affiliated sub-farms respectfully seeking assistance from Senate Committee on Agriculture, regarding our livestock and/or investment being held by DV Boer Farm and/or DV Boer Microfinance. That this pa-iwi and microfinance scheme be audited and investigated,” ani Oliveros.

Ayon kay Oliveros, nagdaos ng zoom meeting ang investors kasama si Atty. Oliver Leonardo, pinuno ng Enforcement and Investor Protection (EIPD) ng Securities and Exchange Commission (SEC) noong 26 Marso 2021 ngunit hindi sila nakontento sa tugon ng naturang opisyal.

Nabisto rin umano na walang ginawang aksiyon ang EIPD upang imbestigahan at i-audit ang DV Boer kaya’t nais nilang dalhin ang usapin kay SEC Chairman Emilio Benito Aquino.

Kalakip ng kanilang liham sa mga mambabatas ang online petition sa Change.org na may lagda ng 2,846 investors ng DV Boer at DV Microfinance na nananawagan sa Kongreso na imbestigahan ang multi-bilyong agribusiness scam in aid of legislation.

Maging si Allan Pernia, isang OFW mula sa Jeddah, Saudi Arabia ay nakiusap sa mga mambabatas na magbalangkas ng batas na magbibigay protek­siyon sa maliliit na mamumuhunan laban sa kompanyang gaya ng DV Boer at subsidiaries nito na inilalako ang sarili bilang legal ang negosyo at pinalabas na may mga koneksiyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Agriculture (DA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at iba pang ahensiya ng gobyerno upang makapambiktima ng OFWs.

“I am an OFW who was scammed by one of DV Boer subfarm. Please legislate laws that will further protect small investors from company like DV Boer and its subsidiares who misrepresent themselves as legal business (SEC registered) and associates the company to AFP, DA, OWWA and other government agencies and advocacies. Please make laws on how to prevent scammer like DV Boer who uses its association with goverment agencies to victimize more OFWs,” ani Pernia.

Matatandaang gina­mit na behikulo ni Villamin ang media industry, lalo ang government television and  radio station para sumikat bilang ‘agripreneur’ para palabasing lehitimo ang kanyang investment scam.

Naging tampok sa ilang programa sa government-owned People’s Television Network (PTV) si Villamin gaya ng  Bagong Pilipinas at Damayan bilang magandang ehemplo umano ng isang nagsumikap na dating OFW kaya nagtagumpay sa buhay.

Naitampok sa Bagong Pilipinas noong Abril 2018 ang Paiwi Partners Convention at paglulunsad ng Magsasaka, Inc., sa pangunguna ng DV Boer Farm na dinalohan nina Senate Committee on Agriculture chairperson Cynthia Villar, Bureau of Animal Director Romy Domingo, Ilocos Sur 1st District Rep. DV Savellano, Agriculture Undersecretary for Special Concerns Ranibai Dilangalen.

Hindi lang si Villar ang nalinlang ni Villamin kundi maging si Senate President Tito Sotto ay nagantso rin nang maging bahagi ang senador sa mga hurado ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Injap Sia Outstanding Young Entrepreneur Awards.

Ginawaran si Villamin bilang 2018 Injap Sia Outstanding Young Entrepreneur noong Oktubre 2018 o ilang buwan bago ulanin ng sunod-sunod na reklamo at asun­tong syndicated estafa ang DV Boer nang mabigong bayaran ang ipinangakong tubo sa kanilang mga investor.

(May Karugtong)

 

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *