ITINUTURING ni Minnie Nato na masuwerte siya at ang mga kasamahan sa Mannix Carancho Artist and Talent Management sa mahusay na pag-aalaga sa kanila ng managers nilang sina Mannix Carancho at Amanda Salas.
Wika ni Minnie, “I love them very much po, Miss Amanda is what we call our mommygers. You know, mom takes care of us and boss Mannix.
“We’re just very lucky to have boss Mannix, because he is so generous, he’s so kind, he always wants to give back to charity. Yeah, it’s just nice to have a boss like that!”
Si Minnie ay 26 years old at tubong Dagupan. Siya ay lumaki sa Las Vegas, USA at sa gulang na 14 anyos ay nagsimula ang kanyang buhay-showbiz nang pumasok sa theater company sa Las Vegas.
Siya ay napanood sa pelikulang The Heiress, D’Ninang, Us Again, at Alter Me. Sa TV naman ay bahagi siya ng Gen Z ng TV5.
Nabanggit ni Minnie na from US, bumalik siya ng bansa para maghilom ang sugat na hatid ng pagkamatay ng kanyang kuya.
Lahad niya, “Four years ago namatay ‘yung kuya ko, so medyo it was a really hard time, so I just decided to go home. I actually ended up quitting acting noong namatay siya, kasi it was due to suicide, it was really hard.
“Talagang super daming nangyari, basically, bumalik ako ng Philippines just to find myself again. Acting just came back and it never wanted to leave, I guess.”
Bunsod nito, ang dream role niya ay makagawa ng ukol sa mental health awareness. ”I would like to do a role for my brother kasi he committed suicide. So, for mental health awareness ‘yun, I would like to do that before I die. I wanna help people with mental health problems, suicidal,” esplika ni Minnie.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio