Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Navotas Mayor nabakunahan na

TINURUKAN ng kanyang unang dose ng bakuna laban sa CoVid-19 si Navotas City Mayor Toby Tiangco.

Isinagawa ang pag­ba­bakuna kay Tiangco, kabilang sa A3 o persons with comorbidity sa San Jose Academy dakong 12:00 ng tanghali kahapoon gamit ang CoronaVac.

Muling nanawagan si Tiangco sa lahat ng mga residente at manggagawa sa lungsod na magpa-rehistro sa NavoBakuna CoVid-19 vaccination program.

Aniya, umabot sa 3,618 ang nabakunahang frontliners, senior citizens at with comorbidities sa lungsod. Susunod na rito ang mga economic essential workers.

“Malaki po ang maitu­tulong ng pagpa­pabakuna para matapos na ang pandemya, at mapaangat na natin ang ating buhay at  kabu­hayan” pahayag ni Tiangco.

Nitong 11 Abril, umabot sa 9,457 ang tinamaan ng CoVid-19 sa lungsod, 1,251 dito ang active cases, 7,930 ang gumaling at 276 ang pumanaw.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …