Wednesday , September 11 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

AFP, media sinisi sa insidente sa West Phil Sea (Tuliro na ba?)

NANGANGMOTE na rin ba ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung kaya’t imbes proteksiyonan ang mga mamamahayag na nakaranas ng paninikil sa mga sakay ng Chinese military vessel nang magpunta sa West Philippines Sea (WPS) ay sila pa ang sinisisi?!

Mantakin ba naman ninyong ipahayag nitong si AFP spokesperson Maj. Gen. Edgar Arevalo nitong nakaraang Biyernes na ang pagnanasa ng mamamahayag na si Chiara Zambrano ng ABS CBN na makauna o maka-scoop ng balita ang dahilan kung kaya’t na-harass sila ng Chinese military vessel?

Hello?!

May mga puwersa pa ba ang AFP diyan sa WPS na nagbibigay ng proteksiyon sa ating mga mangingisda?!

Hindi ba’t bago magtungo ang team nina Ms. Zambrano ay mainit nang pinag-uusapan ang pamamalagi ng mahigit sa 100 Chinese vessels sa Julian Felipe Reef?!

Buong tapang na nagtungo sa WPS ang team ABS CBN dahil gusto nilang maiulat kung ano ang katotohanan sa pagdagsa ng mga Chinese vessel sa Julain Felipe Reef.

Dahil sa rami ng Chinese vessels ay halos hindi na rin makapamalakaya ang mga mangingisda sa takot na i-harass sila ng mga Chinese.

‘Yun ang gustong iulat ng Team ABS CBN, pero imbes tulungan ang mga mamamahayag na makapag-interview sa mga mangingisda, aba sinisi pa sila dahil ‘nagalit’ daw ang mga Intsik?!

Wattafak!

Hindi ba’t maraming mangingisda ang nagrereklamo dahil hindi na sila makapamalakaya nang ‘paradahan’ ng Chinese vessels ang Julian Felipe Reef?!

Ang tanong tuloy natin, sino ba dapat ang ipinagtatanggol ng AFP?! Para kanino ba talaga sila?!   

Sa Filipino o para sa mga Intsik?!

Nakalulungkot ang mga nangyayari sa ating bansa. Ang mga sundalong Pinoy ay naglilingkod kung sino ang kinikilingan ng administrasyon.

Ang AFP ba ay hindi para sa Filipino?! Sila ba’y laging para sa mga dayuhan?!

Nalilimutan yata nilang taxpayers’ money ang nagpapasuweldo sa mga sundalong Filipino.

Mantakin ninyo, ang Chinese Coast Guard at ang bangkang may dalawang missile na may tatak na People’s Liberation Army-Navy ang humabol sa bangka ng mga Filipino sakay ang news team hanggang mapadpad sila sa Palawan?!

Ibig sabihin nasa loob pa sila ng teritoryo ng Filipinas pero sila pa ang sinita at ini-harass ng mga Tsekwa?!

Hindi lang ‘yan, sila pa ang pinagagalitan ng AFP at sinabihan ni AFP spokesperson Maj. Gen. Edgar Arevalo na kasi gusto raw laging maka-scoop ni Ms. Zambrano?!

Ang lupit ni Sir!

Sabi nga ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), imbes pagsabihan ng kung ano-ano, mas dapat na purihin sina Ms. Zambrano. 

“We commend them (Team Zambranno of ABS CBN) for going the extra nautical miles to try to get a better perspective on the situation in the West Philippine Sea,” pahayag ng NUJP.

Walang takot na naglayag nang malayo para ipaabot sa mga kababayan ang katotohanan sa WPS tapos hindi man lang inalalayan ng AFP?!

Tsk tsk tsk…

Saludo tayo sa Team Zambrano!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sino ba ang dapat managot?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG ibunyag ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na sa bansa …

Dragon Lady Amor Virata

Boluntaryong leave of absence isinumite ng Vice-President ng NPC

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGSUMITE ng kanyang leave of absence si National Press …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *