Saturday , November 16 2024

Serye-exclusive: Panukalang imbestigasyon vs DV Boer tinulugan ng Kongreso

ni ROSE NOVENARIO

KUNG lumalarga ang mga kasong syndicated estafa at iba pang reklamo sa iba’t ibang parte ng bansa laban sa DV Boer Farm Inc., ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin nang pakilusin ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Prosecution Service para ikonsolida ang lahat ng reklamo laban sa kompanya, apat na buwan namang natutulog sa Mababang Kapu­lungan ng Kongreso ang panukalang imbestigahan ang kompanya.

Inihain ni Magsasaka partylist Rep. Argel Cabatbat noong 1 Disyembre 2020 ang House Resolution No. 1393 na nag-aatas sa Committee on Trade and Industry, Committee on Banks and Financial Intermediaries, Committee on Agriculture and Food at iba pang kaukulang komite sa Mababang Kapulungan na maglunsad ng joint investigation in aid of legislation sa napaulat na mga kaso ng investment scam kaugnay sa agribusiness sa bansa.

Sa resolution, sinabing may mga ulat na bilyones ang nakamal mula sa publiko, pati sa overseas Filipino workers (OFWs) ng investment scams tulad ng ginawa ng DV Boer.

“Whereas, DV Boer has a program that encourages entrepreneurs and investors to be sub-farm owners to replicate its ‘profitable agri-business program.’

“Sub-farm owners pay, among others, an accreditation fee ranging from five million pesos (P5,000,000) to twenty-five million pesos (P25,000,000) with a promise of one million pesos (P1,000,000) net income per month or 33% return rate,” saad sa resolution.

Isa pang programa ng DV Boer para sa sub-farm owners nito ang Talipapa Program na nag-aatas ng hiwalay na pagbabayad ng kalahating milyong pisong accreditation fee.

Naglunsad din ng share bate cards at DV Boer cards na nagkakahalaga ng mula sa P100,000 hanggang P200,000 na binayaran ng sub-farm owners.

Lahat ng ipinangakong benepisyo ng mga programa ay hindi natupad bukod pa sa nabistong 4,000 kambing ang natagpuan sa farm samantala 101,000 ang nakasaad sa Pa-Iwi contracts.

Ang inilakong investment scheme ng DV Boer ay imposibleng maibigay at patungo sa wala dahil ang ibinayad sa mga naunang investor ay mula sa puhunang inilagak ng mga kasunod na investors kaya’t nagresulta ito ng pagkakautang ng mahigit isang bilyong piso sa investors.

Maging suweldo ng mga empleyado ay hindi naibigay ng DV Boer kahit kontribusyon sa SSS, Pag-ibig at PhilHealth ay hindi nabayaran.

“Whereas, amidst the pay-out delays to investors, questionable fulfillment of obligations in the contracts and the existence of challenges in the overall operations of the corporation, Mr. Dexter Villamin unashamedly displayed his extravagant lifestyle through acquisition of yachts, houses in an exclusive village , and luxury cars, among others.”

May mga ebidensiya na nagsasabing ginamit ni Villamin ang agrikultura bilang prente para kumolekta ng pera sa publiko at ginamit ang kuwarta para tustusan ang maluhong pamumuhay imbes bumili ng livestock para sa kanyang Pa-Iwi partners.

“Whereas, it is imperative for the House of Representatives to assess policy and implementation gaps that giver room for fraudulent or manipulative devices and practices in investments, especially in the agribusiness sector, just like what transpires in the DV Boer case, and look for possible policy adjustment, if necessary.”

Sa hindi malamang dahilan natengga sa Committee on Rules mula pa noong 7 Disyembre 2020.

Ang mga migranteng manggagawa na malaki ang naiambag sa kaban ng bayan at boto tuwing halalan at binansagang mga Bagong Bayani ng Bayan ay mga luhaan ngayon dahil nagantso ng isang Dexter Villamin na ipinagmalaki ang mala­wak na implu­wensiya sa administrasyong Duterte.

(May Karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *