Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kung malakas kay kap, 4-7K ang ayuda

SUMBONG ng mga naninirahan sa San Jose del Monte, riyan sa Brgy. Dulong Bayan, kung malakas ka kay Kap, matic na 4K ang matatanggap mong ayuda mula sa nasyonal, o higit pa. Merong 7k na kitang-kita sa listahan, (baka bet ka ni Kap) tatlo katao ang nakita ko, ‘di ko lang alam kung higit pa dahil sa kopyang hawak ko may mga pangalang Joanne Santos Micabado, Reynosa, Alday, Rosemarie Cabiling… kamag-anak kaya ni Kap? Gayong hanggang 4k lamang ang pinakamalaking ayuda na dapat ibigay.

Tsk tsk tsk… suwerte naman ng mga binanggit ko.

Meron pa sa listahan na mahigit sa 22 pamilya, pawang may apelyidong Herrera na maaayos ang pamumuhay at mga konkreto ang bahay ang nakatanggap ng tig-4k…

‘No ba ‘yan Barangay Chairman Bartolome? How true itong mga nasa listahan?

Ang daming mas may karapatan na ‘di hamak na mas nangangailangan, hindi nakatanggap? Ipaliwanag mo ‘yan Kap!

Samantala, kung sa Brgy. Dulong Bayan ay namimili ng bibigyan, kaiba naman sa Barangay Muzon, SJDM, hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng ayuda…

Bakit? Ang dahilan ay nagkakagulo ang mga tao dahil wala ang kanilang panga­lan sa dating listahan. Dati-rati ay may bilang na 38K pamilya ang dapat mabig­yan, ito ay binawasan at naging 26K na lamang!

Magkakagulo nga! Ano ba ‘yang administrasyon mo Mayor Arthur Robes, halatang-halata na galit na galit ka sa Barangay Muzon!

Dahil ba pumalag ang Barangay Muzon sa gusto ng misis mo na congresswoman na hatiin sa apat na Barangay ang Barangay Muzon, kaya ipinatigil mo ang konstruksiyon ng ginagawang public cemetery.

Gantihan na lamang ba?

Maawa kayo sa taumbayan dahil naka­kabawas ng boto ‘yan sa susunod na eleksiyon ‘di ba?

Meron bang election? Dapang-dapa na ang ekonomiya ng ating bansa, pati ba naman pera para sa tao pinopolitika pa rin?

Hayyyyy SJDM, kaya naman dumami botante d’yan dahil naging relocation site ang SJDM na nagkalat sa NCR!

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …