Sunday , December 22 2024

Gari Escobar happy sa online business, mapapanood sa Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert

HATAW sa kanyang online business ang magaling na singer/songwriter na si Gari Escobar. Ayon kay Gari, mas lumaki ang demand sa mga food supplement, mula nang nagkaroon ng pandemic.

Wika niya, “Very busy po ako ngayon sa online business ko dahil very in demand ang immune products sa panahon na ito. Napupuyat talaga ako sa online, like noong isang araw po, almost 4 am na ako natulog.

“Marami kasing inquiries at mga order, lahat kasi ng product namin ay pangpalakas ng immune system. Lahat po halos may ingredients na pang-boost ng immune system. Marami na po kaming natulungan na frontliners. Marami pong gumaling, kaya masaya po ako sa takbo ng business ko,” masayang lahad ni Gari.

Samantala, nagpapasalamat si Gari na maging bahagi ng Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert na magaganap sa April 18, 2021 (Sunday), via ticket2me.net platform, 8:00 pm (PHST & SGT), 5:00 am (PDT).

Saad ni Gari, “I feel honored na makasama sa list of performers kuya, gusto ko ang ganitong mga events na makapagbibigay saya at tulong sa kapwa, lalo sa panahon na ito ng pandemic. Thankful po ako sa PMPC president na si Roldan Castro sa pagkakataong ito.

“Sobrang happy po akong makatulong, plus masaya akong makasama ang magagaling na artists na tulad nina Alden Richard, Jed Madela, Kuh Lesdesma, at iba pa.”

Ang Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert ay isang virtual concert na magsasama-sama ang mga kilalang mang-aawit at mga sikat na personalidad. Ito’y fundraising concert na layuning makapagbigay ng kasiyahan sa manonood at makalikom ng halaga. Ang proceeds ay mapupunta sa medical assistance ng PMPC officers at members, lalo ang mga senior at mga may sakit na miyembro.

Ito ay pangungunahan ng mga singer at artist na sina Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madela, Gerald Santos, Ima Castro, Luke Mejares, Jeric Gonzales, at Ms. Kuh Ledesma. Makakasama nila sina (in alphabetical order) JV Decena, Gari Escobar, Christi Fider, Joaquin Garcia, Jos Garcia , Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa, Lil Vinceyy, and the Zcentido Ska Band.

Mabibili ang tiket para sa Awit Sa Pandemya: A PMPC Benefit Concert sa ticket2me.net.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *