Sunday , December 22 2024

Digong No. 1 sa survey HOR Speaker kulelat

NAGLABAS ng 1st quarter 2021 survey ang lobbying and campaigns management firm na Publicus Asia tungkol sa approval at trust ratings ng limang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan na isinagawa noong 20-29 March 2021 at nilahukan ng 1,500 respondents mula sa iba’t ibang dako ng bansa.

Tulad ng inaasahan, si Pangulong Digong ay nanguna sa parehong survey na may 64.8% approval at 55% trust rating. Pumangalawa si Senate President Tito Sotto na may 40.9 % approval at 24.6% trust rating. Nasa ikatlong puwesto si Vice President Leni Robredo na may 29.1 % approval at 18.6% trust rating.

Pang-apat sa parehong survey ang retiradong Supreme Court Chief Justce Diosdado Peralta na may 28.4% approval at 15% trust rating.

Nasa huling puwesto lider ng Kamara na si Speaker Lord Allan Velasco na may 25.4% approval at 14.5 % trust rating.

Anyare?

Bakit bumagsak nang husto ang rating ng lider ng Kamara? Aba’y kung matatandaaan ninyo karaniwang nasa huling puwesto sa mga approval at trust rating survey ang chief justice ng Korte Suprema.

Pero tila nabaliktad na ang sitwasyon sa ngayon dahil pangalawang beses nang nangulelat si Velasco sa survey ng Publicus Asia. Kulelat din siya noong 3-9 December 2020 survey ng Publicus Asia, dalawang buwan matapos maupo bilang lider ng kamara.

Sa totoo lang, bumaba ang trust at approval rating nina Pangulong Digong, Sotto, Robredo, at Velasco kompara sa nakuha nilang rating noong 3-9 December survey, na nakuha ni Digong ang 69.8% approval at 62.3% trust rating.

Nakuha ni Sotto ang 49.9% approval at 30.0% trust rating, si Robredo na may 34.6% approval at 23.2% trust rating, si Peralta na nakakuha ng 30.7% approval at 18.5% trust rating.

Samantala 29.7% approval at 18.1% trust rating naman ang nakuha ni Velasco sa naturang survey.

Nagkatotoo ang sinabi noon ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na lalagapak nang matindi ang trust at approval rating ng Kamara at ni Velasco.

May kinalaman ba sa mababang rating ni Velasco ang mga hakbang na ginawa nito mula nang maupo bilang Speaker of the House?

Inuna ng liderato ng Kamara ang tanggalan at rigodon ng deputy speakers at chairmanships ng mga komite. Masyadong napolitika ang palitan ng speakership dahil karamihan ng mga bagong opisyal ay mga kakampi ni Velasco at tinanggal sa puwesto ang mga kaalyado ni dating House Speaker Alan Cayetano.

Nakalulungkot isipin ang sinapit ng Kamara kaya hintayin natin ang magiging survey rating bilang institusyon ng gobyerno.

Kung tutuusin hindi ngayon lang mababa ang rating ng lider ng Kamara. ‘Di naman maitatanggi na sa panahon ng panunungkulan ni Cayetano bilang speaker, tumaas nang husto ang trust at approval rating ng kamara at ng lider nito.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, naitala ng kamara ang pinakamataas na survey rating bilang ‘house of the people’ sa ilalim ng liderato ni Cayetano.

Matatandaang nakuha ni Cayetano ang performance rating na 64% noong Setyembre 2019 at 80% performance rating December 2019 sa survey na isinagawa nationwide ng Pulse Asia.

Sa naturang survey, nakuha ni Cayetano ang 62% trust rating noong September 2019 at 72% trust rating noong December 2019.

Pumangalawa si Cayetano kay Pangulong Duterte sa survey na isinagawa ng Publicus Asia sa Visayas at Mindanao noong December 2019 na nakakuha ng 32.25% approval rating at 49.1% trust rating.

Sana naman sa nangyayari ngayon sa bansa ay maisipan ng kongreso na unahin ang pagtalakay sa mahahalagang panukalang batas lalo sa hinaharap ng bansa ngayon na problema sa CoVid-19.

Malay natin baka sakaling tuamas ang rating ng kamara at ng lider nito sa susunod na mga pagkakataon kung uunahin nilang aksiyonan ang pangangailangan ng taongbayan.

Siya nawa.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *