Saturday , November 16 2024

3 tulak tigbak sa P81.6-M ilegal na droga

TODAS ang tatlong tulak ng ilegal na droga nang mauwi sa enkuwen­tro ang magkahiwalay na buy bust operations ng pinagsanib na puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at PNP-DEG, nakasabat ng tinatayang P81.6 milyong halaga ng shabu sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque.

Sa ulat ni NCRPO RD P/MGen. Vicente Danao, Jr., dakong 1:45 pm unang ikinasa ang buy bust operation na pinangunahan ng mga operatiba ni PNP Drug Enforcement Group (PDEG) chief P/BGen. Remus Medina katuwang ang NCRPO Intelligence Division, RDEU, RSOG, ANCAR, RMFB, at Parañaque City Police Station sa kahabaan ng West Service Rd.

Namatay sa naturang enkuwentro ang suspek na kinilalang alyas Richard, lulan ng isang Mitsubishi Mirage, may plakang AAO 2256 nang lumaban sa mga operatiba, nasamsaman ng limang kilo ng shabu  na nagkakahalaga ng P34 milyon.

Kasunod nito, dakong 3:10 am, isa pang buy bust operation ang ikinasa ng pulisya na pinangunahan ng NCRPO RSOG ni P/Lt. Col. Melvin Montante kasama ang RDEU, ANCAR na pinanganga­siwaan ni P/Col. Hansel Marantan kasama ang RMFB, PDEG, at Pasay CPS sa C5 Extension.

Sa hiwalay na operation, napatay sa enkuwentro ang dalawa pang tulak ng droga, kinilalang sina alyas Domeng at alyas Rey, lulan ng isang Mitsubishi Adventure, may plakang NCV 3593.

Nasamsam sa dalawang utas na suspek ang pitong kilo ng shabu, tinatayang nagkakahalaga ng P47.6 milyon at dalawang kalibre ng baril at mga bala.

Kapwa narekober sa magkahiwalay na operasyon ang ginamit na marked buy bust money at mga boodle money sa magkahiwalay na transaksiyon.

Muling nagbabala si RD Danao sa mga tulak ng droga na tumigil na sa kanilang mga ilegal na aktibidad.

“This is a no let up campaign against illegal drugs and it is relentless, sa mga ayaw magbago at ayaw tumigil sa ilegal na droga, huwag n’yo nang hintayin na magka­salubong tayo sa kalsada because if you fight it out with PNP, definitely ganito ang kahihinatnan ninyo, ‘magbabago ang birthday’ n’yo pag lumaban kayo! Ganyan ang mangyayari sa inyo!”

Mas magiging maigting ang kampanya kontra droga ng NCRPO katuwang ang bagong liderato ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ni P/BGen. Remus Medina partikular ngayong papalapit ang eleksiyon upang malansag ang mga grupo ng sindikato at mga high value drug personalities bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang tatlong tulak ng droga na napatay sa magkahiwalay na operasyon ay sinabing pawang malaking source ng shabu na nagsusupply sa NCR at inaalam ng pulisya kung sino ang kasabwat na supplier ng mga napatay na suspek.       (BRIAN BILASANO/JAJA GARCIA)

About Brian Bilasano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *