Saturday , November 16 2024
Scam fraud Money

Serye-exclusive: Rehabilitation plan ng DV Boer, peke

ni ROSE NOVENARIO

PEKE ang rehabilitation plan na inilalako ng DV Boer Farm Inc., ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin sa investors.

Isang whistleblower na dating kawani ng kompanya ang nagsi­walat na inutusan siya ni Dexter na magbalangkas ng rehabilitation plan upang isubo sa mga investor upang hindi bawiin ang inilagak nilang multi-bilyong pisong puhunan sa Pa-Iwi programs ng DV Boer at hindi madagdagan ang mga kasong syndicated estafa laban sa kanya.

Sinabi ni Randy Crisostomo Macalindol, nagtrabaho bilang Group Finance and Administrative Controller ng DV Boer, natuklasan niyang isang family affair ang kompanya at ang mga nakaupong mga opisyal nito’y pawang mga kapamilya ni Dexter na walang alam sa pagnenegosyo.

Sa kabila aniya na bumuhos ang malaking puhunan sa DV Boer, nalulugi ito at hindi mabayaran ang mga obligasyon sa Pa-Iwi partners at subfarm owners.

“This is because upon my review of the documents and conversations with Villamin and his team, they have NO BUSINESS PLAN at all,” ani Macalindol sa kanyang affidavit.

Ang ipinamam­aha­ging business model ng DV Boer sa Pa-Iwi partners at subfarm owners nito kapalit ng puhunang ilalagak ay siguradong babagsak at alam ito ni Dexter, ayon kay Macalindol.

“The ‘business model’ that DV Boer has been giving to their paiwi partners and subfarm owners in return for their money/investment, the moments is one that will surely fail and Villamin and his team were fully aware of it. They just needed the money from investors,” sabi niya.

Nang repasohin ni Macalindol ang ‘business model’ ay agad niyang ipinarating kay Villamin ang kanyang assessment  at ipinunto niya na ang mga empleyado ng kompanya ay salat sa business skills, walang research and development na isinagawa at mali ang financial presentation of investments at ang return of investment.

“To make it short, the business model is one that was meant to fail and Villamin knew it and shrugged off my recommendations and rehabilitation plans and reminded me to ignore the ‘business model’ and focus on finding solutions.”

Kinompirma ni Macalindol ang tinuran kamakailan  ni Justice Secretary Menardo Guevarra na isang Ponzi-type scheme ang kinasangkutan ng DV Boer.

“The sub-farm owners and Pa-Iwi partners have become the victims of the scheme employed by DV Boer and Villamin and his team. Such scheme can be likened to ‘Ponzi Scheme’,” wika ni Macalindol.

(May Karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *