KAKAIBANG pakilig ang mapanonood kina Janine Gutierrez at JC Santos sa pelikulang Dito at Doon. Marami ang nag-enjoy sa pelikula, base sa feedback ng mga nakapanood na.
Hinggil sa pandemic at lockdown na nagsimula last year ang tema ng pelikula, mula sa pamamahala ni Direk JP Habac. Tampok din dito sina Yesh Burce, Victor Anastacio, Lotlot de Leon, at iba pa.
Gumanap dito si JC bilang si Carlo Cabahug, ang breadwinner ng kanyang pamilyang nasa Cebu mula nang inabandona ng kanyang tatay. Siya ay nagtatrabaho bilang delivery rider. Si Janine naman si Len Esguerra, isang headstrong Political Science graduating student na no-boyfriend-since-birth.
Nang nagkrus ang landas nila via online sa pagsisimula ng ECQ last year, sila ay naging frenemy at eventually ay nagkalapit sa pamamagitan ng virtual communication at dito’y may nabuong kakaibang koneksiyon sa kanilang dalawa.
Ano’ng klaseng katrabaho ang isa’t isa?
Lahad ni Janine, “Sobrang okay po si JC, ‘tsaka nga lang po ako kumalma nang dumating na siya sa set, e. Sobrang okay po talaga siyang katrabaho, ang dami ko din talagang natutunan sa kaniya.”
Saad naman ni JC, “Pinakamasarap siyang katrabaho, especially because she’s super generous at super open, at wala siyang wall kaagad. Super approachable, so kahit anong ibigay kong acting choices sa kanya, naibabalik sa akin kaagad at naibabalik sa akin nang mas maganda pa, na hindi ko ini-expect.
“So nagugulat ako every time, so ang ganda dahil paulit-ulit din namin siyang ginagawa… she managed to make it fresh every time. So, nag-enjoy po ako the whole time, sana maulit nang maulit pa.”
Hatid ito ng TBA Studios, in association with WASD Films. Ang Dito at Doon ang unang pagkakataon na ang isang local na pelikula ay magkakaroon ng simultaneous streaming sa limang major online platforms na kinabibilangan ng KTX, Cinema76@Home, Iwant TFC, Upstream, at Ticket2me.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio