Tuesday , December 31 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Gutom’ ng mamamayan mas deadly kaysa Covid-19 (Dahil sa palpak na CoVid-19 response)

LUMARGA na sa Maynila ang ayudang cash mula sa lokal na pamahalaan na pinamumunuan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso katuwang si Vice Mayor Honey Lacuna.

Ang ipinamahagi ayon kay Mayor Isko ay ayuda mula sa pamahalaang nasyonal.

Taliwas sa mga kumalat na balita, “cash” at hindi “in kind” ang ipinamahagi ng Maynila dahil ayon mismo kay Mayor Isko, ang mga benepisaryo ang nakaaalam kung ano ang kailangan nilang bilhin o paglaanan ng budget.

Isa pa, kahit hindi pa idinedeklara ang ECQ, buwan-buwan nang nagbibigay ng ayudang groceries ang Maynila sa bawat pamilya ng lungsod lalo na doon  sa mga nawalan ng hanapbuhay.

Ang sabi, P1,000 kada miyembro ng pamilya o hanggang P5,000 ang puwedeng ipagkaloob sa bawat pamilya, tama ba tayo Mayor Isko?

Sa lahat ng LGU sa Metro Manila, Maynila ang unang namahagi ng ayudang cash.

Ang Valenzuela, sa Huwebes pa raw habang ang Pasig ay magsisimula ngayong araw.

Kumusta naman kaya ang iba pang lungsod sa Metro Manila? Namahagi na ba kay0?

Sa Taguig, groceries ang ipinamahagi ng mag-asawang mambabatas na sina representatives Alan & Lanie Cayetano.

Maraming natuwa sa ayudang P1,000 cash kada miyembro sa bawat pamilya.

Pero marami rin ang nagtanong, hanggang saan aabot ang P1,000?

Ang mga nawalan ng trabaho, muli na namang maiipon ang utang sa tubig at koryente. At darating na naman ang mga ‘kolektor’ na kung manakot na magpuputol ng koryente o tubig ay daig pa ang ‘berdugo.’

Sa panahon ngayon, na wala nang masulingan ang mga mamamayan na walang mapagkakitaan, talagang  may tungkulin ang pamahalaan na sila ay ayudahan.

Hindi dapat iasa ng gobyerno na gumawa ng paraan ang bawat mamamayan o padre de familia na nawalan ng trabaho dahil sabi nga, sa hanay ng mga pobre ngayon, malamang na mamatay muna sa gutom bago sa CoVid-19.

At dahil ayaw nilang mamatay sa gutom, marami ang sukdulang labagin ang health protocols para dumiskarte ng makakain basta ang importante huwag silang magutom. Mahawa na ng CoVid-19 basta huwag lang magutom.

Naiintindihan kaya ito ng gobyerno o ng IATF o NTF? Mas maraming Filipino ang ayaw magutom kaya mas pipillin nilang lumabag para sila ay mabuhay.

Kailan ba iwawasto ng administrasyong Duterte ang palpak na CoVid response?

Kailan ba nila lulusawin ang IATF at ang NTF na ang namumuno ay mga heneral ng militar at hindi mga siyentista at doktor ng medisina?!

Nabaon nang husto sa utang ang gobyernong Filipino pero walang nalutas kung paano lulutasin o pipigilan ang pandemya.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *