Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald nabunutan ng tinik nang ilantad ang relasyon nila ni Julia

AMINADO si Gerald Anderson na tila nabunutan siya ng tinik nang finally ay aminin na niya ang relasyon nila ni Julia Barretto.

Ani Gerald sa isang panayam, ”Personally, it’s just something na parang naramdaman ko na kailangan ko nang gawin for peace of mind. Nabunutan ako ng tinik.

“After that, wala, tuloy lang ang buhay. Mayroon mas malalaking problema na hinaharap natin lahat kaysa ‘yung interview ko kay Tito Boy (Abunda). Personally, it’s something na I had to do. Move on na.”

Ma­tagal din kasing naging pahulaan kung sila nga ang nag­katuluyan matapos nilang makipag­hiwalay sa kani-kanilang karelasyon. Si Julia kay Joshua Garcia at si Gerald kay Bea Alonzo na nauwi pa sa tsikang ghosting.

May mga balita ring napagkikita silang magkasama sa isang lugar subalit walang kompirmasyon mula sa dalawa.

At nang umamin na finally si Gerald sa pamamagitan ng show online ni Boy Abunda, napanatag na ang Kapamilya actor. Hindi na nila kinailangang magtago pa ni Julia sakaling magkasama sila sa galaan o out of town.

Kamakailan hindi na rin sila nahirapan pa na ipakita na magkasama sa isang event noong Easter Sunday with Dr Vicky Belo at Hayden Kho.

Sinabi pa ni Gerald na  nawala na ang nararamdaman niyang bigat sa  dibdib at clear na clear na ang takbo ng kanyang isipan dahil wala na silang itinatago ng kanyang girlfriend na si Julia.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …