Saturday , November 16 2024

Serye- exclusive: Raket ng DV Boer, ikinanta ng CPA

ni ROSE NOVENARIO

ITINUGA ng isang certified public accountant (CPA) ang raket ng DV Boer Farm ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a Dexter Villamin  dahil hindi niya kayang sikmurain ang ilegal na aktibidad nito na panghuhuthot sa pinaghirapang pera ng investors, lalo sa overseas Filipino workers (OFWs).

“I could not endure participating in an illegal activity that victimizes unsuspecting investors especially Overseas Filipino Workers and robs them of their lifesavings,” sabi ni Alvin Andulan sa kanyang sinumpaang salaysay.

Si Andulan, isang CPA, ay dating internal audit head ng DV Boer Farm mula 27 May 2019 hanggang 31 Enero 2020.

Nang pumasok siya sa kompanya, ang sinabing tungkulin niya ay ayusin ang financial statements at reports, pati ang sa sub-farms, at magbigay ng “proper accounting training to sub-farms.”

Sa kanyang pananatili sa DV Boer ay natuklasan niya na ang pinag­kakakitaan nito’y Private Placement Program, isang iskema na ang investor ay magbabayad ng P1,100,000 kapalit ng preferred/incorporator share (P20.00 – P30.00 per share na ang maximum ay 5,000 shares kada investor) at common shares (P5.00 – P20.00 per share).

Mula aniya Abril 2019 hanggang Nobyembre 2019, may 80 individuals/subfarms na lumahok sa Private Placement Program at nagbayad ng P1,100,000.00.

Sinabi ni Andulan, ang mga investor ay pinangakuan na bibigyan ng stock certificate bilang ebidensiya ng kanilang investment ngunit nabigo ang DV Boer na tuparin ito.

Kalauna’y nabisto ni Andulan na hindi pala awtorisado na mag-solicit ng investment sa publiko ang DV Boer gaya ng Private Placement Program.

Alinsunod sa Private Placement Program, natuklasan ni Andulan sa official ledgers, si Joselyn Villamin, ina ni Dexter, ang nakinabang sa programa sa pama­magitan ng pagkuha ng komisyon mula sa mga ibinayad na pera ng subfarms at third parties, karamiha’y OFWs.

Sangkot din aniya ang DV Boer sa subfarm accreditation at paiwi programs, halimbawa’y ang kanilang Goat Pa-Iwi Program, isang meat goat breeding program na may tatlong-taon kontratang payout schedules.

Ang inisyal na halaga nito’y P290,000 ngunit itinaas sa P320,000 na may pangakong tutubo ng 33% kada taon.

“DV Boer shall be the exclusive supplier of all livestock under this program. The 33% rate of return per annum is obviously unrealistic,” ani Andulan sa kanyang affidavit.

Laking gulat niya nang ituro ni Rosalyn Alvarez sa lahat ng subfarm na itala bilang kita o revenue  ang Pa-Iwi contracts.

Noong panahong iyon ay pinapaniwala ang subfarms na sila’y kumikita.

“I was left speechless, as a Certified Public Accountant I knew that this is against the accounting principles. I tried to correct this mistake by doing accounting principles and by teaching subfarms how to record the entries properly,” ani Andulan.

Sa kanyang unang linggo sa DV Boer, nalaman niya na ang mga hayop ay hindi sapat sa halagang nakasulat sa kontrata na nilagdaan ng ‘partners.’

Mula 2018 ay walang hayop na inalagaan ang DV Boer para sa kanilang proyekto at kahit batid ito ng management, nagpatuloy ang kanilang pag-enganyo sa publiko na maglagak ng puhunan sa DV Boer.

“There is a clear disparity between the total number of animals correspondent to Pa-Iwi contracts vis-à-vis the actual number on DV Boer’s farm in Lian, Batangas.

(May Karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *