Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tonz Are, kinilalang Most Promising Indie Actor of the Millennium

TATANGGAP muli ng parangal ang talented na indie actor na si Tonz Are. Siya ang hinirang na Most Promising Indie Actor of the Millennium sa 4th Asia Pacific Luminare Awards na gagaganapin sa May 30 sa Okada, Manila.

Ipinahayag ni Tonz ang kagalakan sa mga dumarating sa kanyang blessings. “Thankful po ako sa blessings ngayong 2021 na may new award na naman ako, kahit may pandemic.

“Sobrang saya at excited ako kasi kahit ganito ang sitwasyon ay umaapaw pa rin ang projects na dumarating sa akin. Thankful ako sa mga production and directors ko na nagtitiwala sa akin na ‘pag may projects ay talagang nasa cast agad ako, direkta,” masayang pahayag ni Tonz.

Nabanggit din niya ang mga project na pinagkaka-abalahan ngayon.

“I have four indie films po na natapos ko na like ‘yung Stranded na isa ako sa lead. Ito ay under ERV Management and Daydreamer Production, sa direksiyon ni Wilden Anuevo. Kasama ko sa film ang kapatid kong si Celso Are, Juan Ponce, Rogiemark Balleras, Justine Gaspe , Rob Visda, Tessa Gaspe, Gweneth, at marami pang iba.

“Ang iba ko pang films ay ang Tawabong under Daydreamer Production, Positive, na isa rin ako sa lead, sa direksiyon ni Madel Pacleb. Plus iyong Balud po, sa direksiyon ni Marvin Gabas na isu-shoot after ng lockdown. Isa ako ritong syokoy, bale part 2 ito ng Rendezvous at ako pa rin ang gaganap na Balud. Sana makasama ko ulit dito si mommy Gina Pareño at ibang co-stars sa part-1.”

Dagdag niya, “Mapapanood pa rin ako sa vlogs ko sa YouTube sa channel kong Tonz Are at sa GMA-7, The 700 Club Asia, Mondays to Fridays at 12 midnight.

“Ang business ko ay okay naman po, humahataw kami online – ang Tonz Tapsilogan and Artizent Perfumes ko po. Katatapos lang din ng shoot ko for endorsement ng VG’s Cebu Lechon ni mam Michelle Sanchez and mayroon akong upcoming na sabon endorsement na ire-reveal pa lang. Nagpapasalamat din ako nang sobra sa family ko na todo-support sa akin, pati sa fansclub kong Tonznatics and Tonzlovers, kung di dahil sa kanila ay wala ako ngayon dito.”

Nalaman din namin na siya pala ang manager ng kapatid niya at iba pa. “Yes po, ako manager ni Celso and ‘yung DaydreamerBabies po na nakasama ko rin sa Lenten special ko, si anak na Nicolle Ulang and Andrew Vital po, ako manager nila at lahat ng DaydreamerBabies.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …