Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shido Roxas, most challenging na pelikula ang Nelia

ISA si Shido Roxas sa tampok sa pelikulang Nelia na tatalakay sa mental illness, depression, and anxiety.

Mula sa A and Q Productions Films Incorporated, ito’y pinag­bibidahan ni Winwyn Marquez. Kasama rin sa pelikula sina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Dexter Doria, Ali Forbes, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Lester Dimaranan.

Ano ang role niya sa Nelia at gaano kahirap ang lock-in shooting?

Wika ni Shido, “I play the role of a doctor na medyo strict at may wild side rin.”

Aniya, “Maayos at alaga po kami ng producers (Atty. Aldwin F. Alegre at Atty. Mary Melanie Honey Quiño), twice kami nag-swab at ‘yung Gapan po kung saan kami nag-shooting ay wala pong case ng CoVid. Mas enjoy po ang lock-in kaysa regular shooting/taping.”

Ano ang masasabi niya sa kanyang co-stars, especially kay Winwyn? Esplika ng tisoy na aktor,

“Nakasama ko na po si Winwyn last year sa Beauty Queens at magaling at natural siya sa acting, lalo na kapag nangungusap ‘yung mata niya.

“Panay tawanan lang kami sa room. Masarap kasama si Win, kasi order nang order ng food, hahaha! Nakapag-bond po kami agad ng cast at puro chibog, kuwentohan, at lokohan especially with Winwyn, Ali and Carlo Galano. Si kuya Raymond Bagatsing po is a keen observant and very dedicated. Nakatanggap po ako ng magandang salita mula sa kanya kaya happy po ako.

“Nakasama ko rin po panandalian sina Mon Confiado at Ms. Dexter Doria at kuwela at palabiro din,” nakatawang saad pa ni Shido.

Maaalala si Shido sa pagganap bilang batang Eddie Garcia sa Rainbow’s Sunset ni Direk Joel Lamangan. Napanood din siya sa Isa Pang Bahaghari, Love Thy Woman, at sa mini-series na Beauty Queens.

So far, ano ang pinaka-challenging sa mga nagawa niyang project? “Most challenging is sa Nelia. Meron po kami sex scene ni Ali Forbes na kailangan i-retake nang ilang ulit. Pinagpapawisan kaming dalawa at kailangan tuloy pa rin ang romansa kahit mainit sa area ng scene namin,” lahad ni Shido.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …