Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Osang ayaw isapelikula ang buhay: Mas gusto ko ilibro

Speaking of Rosanna Roces, hindi pala niya gustong isapelikula ang buhay niya.

Aniya, ”Hindi ko gustong gawing movie ang buhay ko. Walang kabutihang mapupulot.”

Kuwento ni Osang noong virtual media conference ng pelikula nilang Kung Pwede Lang ng VivaMax”Nagawa ko na sa TV5 iyong Untold Stories of Rosanna Roces…)’yung iba sa GMA, iyong nagpakasal sa kapwa babae, at kay Korina Sanchez. Siguro mas gusto ko masulat sa libro kaysa isapelikula.”

Samantala, ang Kung Pwede Lang ay tungkol sa pamilya Panting, isang pamilyang punompuno ng buhay at punompuno na rin sa buhay. Lalo na si Precious (Carlyn Ocampo), ang middle child, breadwinner at “Yes Girl” na masyadong mabait at hindi kayang tumanggi sa kahit anong hilingin sa kanya ng kanyang pamilya.

Pero hanggang kailan niya kayang magbigay at magtrabaho para sa kanyang pamilya? Hanggang kailan niya kukumbinsihin ang kanyang sarili na ok siya?

Ang pamilya ni Precious Panting ay sina Princess (Rosanna), ang problemadong ina; si Paquito (Dennis Padilla), ang tatay na mahilig sa sabong; si Lola Baby (Dexter Doria), ang lolang mainitin ang ulo; si Prince (Bob Jbeili), ang panganay na walang trabaho; at si Penelope (Loren Mariñas), ang bunsong kapatid. Lahat sila may kanya-kanyang problema at iba’t ibang hanash sa buhay tungkol sa trabaho, pera, jowa at sa buhay in general. Sa eight-episode series, malalaman natin ang mga hassle sa buhay ni Precious at ng buong pamilya Panting, na alam na alam natin at totoong makare-relate tayo.

Ang online KPL shorts ay naging viral at talagang pinag-uusapan dahil marami ang nakare-relate sa bawat kuwento. At ngayon, sa full series ng  Kung Pwede Lang, mas maraming karakter at mga sitwasyon na tiyak makare-relate at matatawanan ang viewers.

Alamin kung sino ka sa pamilya Panting sa Kung Pwede Lang. Exclusive itong mapapanood sa VIVAMAX simula Abril 9.

Available ang VIVAMAX online sa web.vivamax.net, o i-download ang app sa Google Play Store. Watch all you can sa VIVAMAX, P149/month lang, at mabibili ang VIVAMAX vouchers sa Shopee at Lazada.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …