Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

150 bikers hinuli sa Maynila

PINAG-EHERSISYO at ibinilad sa araw ng Manila Police District (MPD)  ang mahigit sa 150 siklista na hinuli makaraang mamataan na nagkukumpol sa mag­kahiwalay na lugar sa Quiapo at Roxas Boulevard, sa Maynila kahapon ng umaga.

Nabatid kay Manila Police District (MPD) director, P/BGen. Leo Francisco, ang mga biker ay umabuso sa window hours para sa pag-eehersisyo mula 6:00 – 9:00  ng umaga.

Ayon kay MPD Sta. Cruz Station (PS3) commander P/Lt. Col. John Guiagui, ang mga hinuling siklista ay pawang residente sa ibang lungsod gaya ng Quezon City.

Nabatid, ang window hour sa pag-eehersisyo ay 6:00 – 9:00 ng umaga ngunit pinapayagan lamang sa loob ng kanilang barangay o lungsod at hindi maaaring tumawid sa karatig na siyudad.

Hinuli ang mga siklista makaraang mapansin ng mga pulis ang umpukan ng grupo sa Quiapo, Maynila.

Samantala, ilang grupo rin ng bikers ang hinuli ng MPD DMFB sa pangunguna ni P/Lt. Col. Julius Añonuevo sa kanilang pagpapatrolya, nang mamataan na nag-uumpukan ang grupo sa Roxas Blvd., Service Road Ermita, Maynila.

Nang imbestigahan ng pulisya, nabatid na pawang dayo sa Maynila at residente sa ibang mga siyudad ang mga siklista.

“Ang instruction ko kaninang umaga kay PS3 commander kapag nakuha ang mga identification ay i-release na,” ani Francisco.

Aniya, maaaring mag-ehersisyo habang may ECQ ngunit dapat ay  sa harap lamang ng kanilang bahay o sa loob lamang ng kani-kanilang barangay.

Pinauwi rin ang mga siklista makaraan ang ‘ehersisyong ‘bilad sa araw’ at nang makuha ng pulisya ang mga pagkakilanlan upang isailalim sa case filing sa paglabag sa ECQ protocol na karamihan ay hindi kabilang sa authorized person outside residence (APOR).

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Black smoke

Maingay, maamoy
SUSPENSIYON VS PERMIT NG TIME CERAMIC HILING NG MGA RESIDENTE

SAN PASCUAL, Batangas — Nanawagan ang mga residente ng Brgy. San Teodoro laban sa Time …

Arrest Posas Handcuff

Sa loob ng 24 oras…
NEGOSYANTE DINUKOT, P5 MILYONG RANSOM NAPURNADA, TATLONG KIDNAPER TIMBOG

Sa pamamagitan ng mabilis at sama-samang aksyon ng pulisya ay matagumpay na nailigtas ng mga …

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

PBBM impeachment Makabayan bloc

Ikalawang impeachment vs PBBM inihain ng Makabayan bloc

ni Gerry Baldo ISINUMITE ang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa …

BARMM BTA BEC rally protest

Amyenda sa BARMM Poll Code:
DAGOK SA KABABAIHAN, BANTA SA HALALAN

ni TEDDY BRUL UMAPELA ang mga sectoral group sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao …