Wednesday , November 20 2024

Sen. Go, ‘go, go, go’ na rin sa 10k ayuda

AYAN NA!

Lomolobo na ang suportang nakukuha ng P10k Ayuda Bill ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano at ng kanyang mga kaalyado sa kamara na nagsusulong sa “Call to Action” Balik sa Tamang Serbisyo.

Ito ay naglalayong mabigyan ng P10k ang bawat pamilyang Filipino na patuloy na iginugupo ng pandemyang CoVid-19.

Mismong ang itinuturing na “eyes and ears” ni Pangulong Duterte na si Sen. Christopher “Bong” Go ang nanawagan sa Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) na tingnan kung may sapat na pondo ang gobyerno para magbigay ng karagdagang ayuda para sa taongbayan hindi lamang sa NCR kundi maging sa buong bansa.

Pinakikilos rin ang DSWD upang pag-aralan kung ilan ang magiging benepisaryo ng hakbanging ito.

Ibig bang sabihin nito aaksiyonan ng liderato ng Kamara ang P10k Ayuda Bill na noon pang 1 Pebrero 2021 inihain ni Cayetano at ng kanyang mga kaalyado at hanggang ngayon wala pa rin ginawang aksiyon ang House Committee on Social Services.

Nagtapos na ang session ng kongreso kahapon at hanggang 18 Mayo pa nakabakasyon ang mga mambabatas. Pero hindi man lang nagsagawa ng kahit isang hearing ang Kamara rito.

Hindi man lang ba nakararamdam si Speaker Velasco na kailangang-kailangan ng taongbayan ang ayudang ito dahil matagal pa mararating ng ating bansa ang kahit man lang 70% vaccination sa mga Pinoy?

Alam naman natin na kapag si Bong Go na ang nagsalita ay parang si Digong na rin ang nagsasalita.  Sana lang ay makonsensiya ang liderato ng kamara at umpisahan ang pagdinig sa panukala. Wala naman problema kung magpatawag ng special session gaya ng ginawa nang isabatas ang Bayanihan 1 and 2 sa pamumuno ni dating Speaker Cayetano.

Ang mga LGUs ay kumilos na rin para suportahan ang P10k Ayuda Bill. Nagpatibay ng resolusyon ang siyudad ng Tarlac at Bayan ng Alburquerque sa Bohol na pormal na isusumite sa Kamara at Senado bilang pagsuporta sa P10k Ayuda Bill.

Hindi tuloy maiwasang isipin ng mga tagamasid na pinopolitika ang P10k Ayuda Bill kahit sinasabi na ni Cayetano na tanggalin ang kanilang mga pangalan bilang may akda ng panukalang batas maumpisahan lang ang pagdinig dito.

Ang sabi nga ni Cayetano, “Sana maramdaman ang congress and we covert into a Committee on the whole or in any way that we can, kung kailangan humingi ng special session, para ipasa ‘to. Ginawa natin noong Bayanihan 1 ‘yan, ginawa natin noong Bayanihan 2, there’s no reason why we can’t do it again.”

Ang P10k ayuda bill ay inakda nina Cong. Alan Peter Cayetano, Congw. Lani Cayetano, Cong. Dan Fernandez, Cong. LRay Villafuerta, Cong. Raneo Abu, Cong. Jonathan Sy-Alvarado at Cong. Mike Defensor.

Ito ay dagdag na ayuda, dahil sa mga bansa sa Asya nahuhuli ang Filipinas sa pagbibigay ng stimulus package sa mga pinadapa ng CoVid-19.

Tignan natin kung hanggang kailan tatagal ang tibay ng loob ni Velasco at kapal ng kanyang balat para maramdaman na dapat gawing prayoridad ang pagtalakay sa mga ganitong panukala na napapanahon para sa benepisyo ng taongbayan.

Mabuti pa ‘yung panukalang batas na nagtatanggal ng billboards tuwing panahon ng bagyo pumasa na sa kamara. Marahil ang tingin ni Velasco at ng mga mambabatas, mas mahalaga ito at makapagtatawid sa mga sikmura ng sambayanang Filipino.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *