Saturday , November 16 2024
Covid-19 Swab test

DAR sa mga empleyado: “No swab test, no entry!”

MATAPOS sa 31 staff ang nagpositibo sa CoVid-19, hindi na papayagang makapasok sa kanilang trabaho ang mga empleyado ng Department of Agrarian Reform (DAR) nang walang swab test sa loob ng 14 araw.

Nitong Huwebes, nagpalabas si DAR Director for Administrative Service Cupido Asuncion, ng memorandum para sa mandatory testing ng mga empleyado sa mga opisina ng ahensiya upang matiyak na hindi mahahawa ang iba ng virus.

Ayon kay Asuncion, 27 na lamang ang aktibong kaso sa kanilang kagawaran matapos gumaling ang apat.

Hinala ni Asuncion, hindi sila nahawaan sa opisina o habang nagtatrabaho at aniya posibleng nakuha ito sa labas ng opisina, gaya ng pagbiyahe o pag-grocery.

Ang mga pasyente aniya ay patuloy na naka-quarantine na pawang asymptomatic at may mild symptoms lamang.

“Nasa bahay lang sila naka-isolate. They are in high spirits naman, tapos nagwo-work from home pa rin naman sila,” ani Asuncion.

Gayonman, sinabi ni Asuncion, hindi naman apektado ang kanilang trabaho dahil patuloy pa rin ang kanilang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka para sila’y matulungan lalo ngayong panahon ng pandemya.

“Minsan may mga takot magpa-swab, masakit daw, ganyan, e kailangan namin silang puwersahin kasi kung halimbawang may nag-positive sa isang office ‘yung tracing natin… Kung may ayaw magpa-swab ‘e baka mamaya sila na pala ‘yung spreader, ‘di natin alam,” dagdag ng opisyal. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *