IPINAHAYAG ni Cloe Barreto na hindi siya halos makapaniwala nang maging ganap na bida sa pelikulang Silab. Ang launching movie ng seksing member ng Belladonnas ay pinamahalaan ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.
Saad ni Cloe, “Sobrang excitement po ang naramdaman ko, hanggang ngayon nga po ay hindi po ako halos makapaniwala na nakagawa ako ng movie na ako pa iyong isa sa bida.”
Tampok din sa pelikula sina Marco Gomez, Jason Abalos, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Christine Bermas, Rie Cervantes, at iba pa.
Ito ang ang biggest break ni Cloe na pinupuri ng marami ang husay sa pelikulang ito. Ano ang reaction niya sa feedback na ang galing-galing niya sa Silab at parang hindi raw siya baguhan?
Tugon ni Cloe, “Sobra pong natuwa, na at least kahit paano ay napapansin ako. Pero ginawa ko po talaga ‘yung best ko, so parang nakatataba po ng puso na makarinig (ka) ng mga comments na ganoon.”
Isasasali raw sa mga filmfest abroad ang kanilang pelikula, ano ang expectation niya rito? “Yes po, kinakabahan po ako… wish ko po na makapunta ako sa film festivals, sa mga ganoong award-award, sana po makapunta at magkatotoo iyon,” nakangiting sambit pa niya.
Aminado rin si Cloe na kaabang-abang ang love scenes niya kina Marco at Jason. Nakatawang wika niya, “Wild po talaga at kaabang-abang ito, hahaha!”
Saan siya sumabak sa mas matinding lampungan? “Iyong kay Marco po talaga ang mas daring at sexy na eksena, ‘yung love scene namin. And mas marami kaming love scene ni Marco, kompara kay Jason,” pag-amin pa ni Cloe.
Ang Silab ay mula sa panulat ni Raquel Villavicencio at under ng 3:16 Media Network ng kanilang mabait na manager na si Ms. Len Carrillo.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio